Search
  • BULGAR

Apektado ang PRCI racenang mawala ang double event

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 25, 2021



Patuloy na dumaranas ng krisis ang karerahan ng Philippine Racing Club,Inc.(PRCI) tagapangasiwa ng karera ng Santa Ana Leisure Park (SALP), sa Naic, Cavite.


Nitong Martes, ginanap ang karera sa SALP at gabi ng Lunes nakabuo at umabot lamang ng pitong karera dahil kakaunti lamang ang nagpartisipa. Dahil sa pangyayari naaapektuhan ang paggawa ng programa sa araw ng Martes at Miyerkules.


Dapat apat na araw na karera ang magaganap sa isang karerahan subalit dahil sa nagaganap sa Santa Ana binabawi na lang ng ibang karerahan gaya ng Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) at Manila jockey Club,Inc.(MJCI). Dahil ang lahat ng ito ay mula ng alisin ng PRCI ang double events na tatayaan upang protektahan ang mga mananaya sa sindikato na kumikilos sa loob ng karerahan sa pakiusap ng Games and Amusement Board(GAB).


Naniniwala ako nakikisama lamang ang racing club dahil sa pakiusap ng mga awtoridad, subalit kung ang negosyo ang maaapektuhan hindi malayong isara ang karerahan ng Santa Ana.


Pero,iba na ang nakasanayan ng mga mananaya, ang tumaya sa daily double, at kung maibabalik ang tayaan sa PRCI ang double double, naniniwala ako na babalik ang sigla ng pangangarera roon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.