Anyare na sa 29 nawawalang sabungero?!
- BULGAR
- Feb 19, 2022
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | February 19, 2022
WALA pa rin linaw kung nasaan ang 29 sabungero na dinukot.
Eh, bakit?
◘◘◘
NAGDEDEBATE pa rin kung dapat bang tanggalin ang illegal tarpaulin na nakakabit sa pribadong lugar.
Siyempre, 'yung may-ari lang ang puwedeng magtanggal.
Kasi’y baka makagat kayo ng doberman!
◘◘◘
TARPAULIN ang pinagdedebatehan kaugnay sa election imbes na ang “vote-buying” nang natapos nang naisagawa.
Nakapag-vote-buying na ang mga incumbent gamit ang pondo ng gobyerno.
Ngayon naman ay ibang diskarte bago mag-eleksiyon—gamit ang “watcher-watcher” scheme!
◘◘◘
MARAMING dapat ayusin ang Comelec pero hindi ito nagagampanan.
Dapat baguhin ang election code at iangkop sa teknolohiya!
◘◘◘
HINDI malaman kung kasali o hindi sa Magic 12 ng UniTeam si Robin Padilla.
Malaking publisidad ito.
Nalaman ng mga botante, na kandidato pala si Binoe.
◘◘◘
MAY demolition job daw kontra kay Sen. Ping Lacson.
Ano ang ide-demolish sa kanya, eh, kulelat siya sa survey?
◘◘◘
SINO ang manok ng US sa presidential election?
Kapag nasagot ninyo 'yan, masasagot din ninyo kung sino ang may pinakamalaking resources sa pandaraya!
◘◘◘
DESIDIDO nang salakayin ng Russia ang Ukraine.
US ang nagkumpirma niyan!
◘◘◘
MAY economic war ang India at China.
Naaagrabiyado ang Beijing!
◘◘◘
ANG susunod na world power ay walang iba kundi ang India.
Hindi sila nananakop ng ibang bansa tulad ng US at China.
Nagpapautang pa sila ng capital—nang walang kolateral—at patak-patak lang!
◘◘◘
WALA nang patutunguhan kundi ang maglahong bigla ang COVID-19.
Kuwento-kuwento na lang ang pandemic.
Pero ang krisis, nananatiling multong hindi maglalaho!
◘◘◘
SISIGLA na ang kumpitensiyahan sa telebisyon.
Muling magreregudon ang mga talent sa paglitaw ng signal ng dating ABS-CBN.
◘◘◘
BIGO ang “DITO” na maging ikatlong telco.
Sino ang na-scam?
He-he-he!








Comments