- BULGAR
Antique, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
ni Lolet Abania | August 13, 2022

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol sa malayong baybayin ng Antique ngayong Sabado ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang tectonic na lindol ng alas-12:25 ng hapon at may lalim itong 6 kilometro.
Matatagpuan ang epicenter ng pagyanig sa 10.28°N, 121.83°E - 020 km S 32° W ng municipality ng Anini-y.
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
•Intensity IV - Anini-y, Tobias Fornier, at San Jose de Buenavista, Antique
•Intensity III - Belison, at Sibalom, Antique; Iloilo City
•Intensity II - Bugasong, Barbaza, at Patnongon, Antique.
Batay pa sa PHIVOLCS, wala namang naitalang pinsala subalit asahan ang posibleng mga aftershocks matapos ang lindol.