Anti-Duterte na magpapabida sana, tameme nang iurong ni VP Sara ang confi funds
- BULGAR
- Nov 11, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | November 11, 2023
MGA EKONOMISTA AT BANKERS NANINIWALANG MALULUGI ANG MIF KAYSA KUMITA -- Nais ng Foundation for Economic Freedom (FEF), asosasyon ng mga ekonomista at bankers sa Pilipinas na huwag nang ituloy ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil nakikita raw nila na mas lamang ang pagkalugi ng gov’t. investment fund na ito kaysa kumita.
Mga ekonomista at bankers na ang nagsabi n’yan kaya’t sana ay pakinggan ni P-BBM ang panawagan nilang huwag nang ituloy ang operasyon ng MIF kasi hindi naman pera ng mga trapo (traditional politicians) ang isusugal sa investment ng gobyerno, kundi pera ng bayan, period!
◘◘◘
MGA ANTI-DUTERTE LAWMAKERS NA MAGPAPABIDA SANA, NAGSITAHIMIK NANG SABIHIN NI VP SARA NA ‘DI NA NIYA NEED ANG CONFI FUNDS -- Sablay ang plano ng mga anti-Duterte lawmakers na magpabida sa publiko tungkol sa hinihinging confidential fund ni Vice President, Dept. of Education (DepEd) Sara Duterte.
Ready na kasi sila (anti-Duterte lawmakers) para kuwestyunin si VP Sara, kaya lang napanganga silang lahat nang sabihin ng Bise Presidente na iniaatras na niya ang paghingi ng confidential funds para sa Office of the Vice President (OVP) at Office of the DepEd secretary.
At dahil sa sinabing ‘yan ni VP Sara, ‘yung mga anti-Duterte lawmakers na ang plano ay magngangakngak laban sa Bise Presidente, ay nagsiupo na lang at mga nanahimik, boom!
◘◘◘
MGA TRAPO SA ‘PINAS, GUSTO LAGI SILANG NAKASANDAL SA PADER -- Noong si ex-P-Noy pa ang presidente, ‘yung mga trapo ay sumapi sa Liberal Party (LP), at nang mawala sa poder si ex-P-Noy, nagsilayas sa LP ang mga trapo at sumapi sa partidong PDP-Laban na pinamumunuan ni ex-P-Duterte, at nang mawala rin sa poder si ex-P-Duterte, ay ‘yung mga kapartido niya sa PDP-Laban ay naglundagan sa Lakas-CMD na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez na pinsang buo ni P-BBM.
Ganyan talaga ang mga trapo sa ‘Pinas, ang gusto, lagi silang nakasandal sa pader, period!
◘◘◘
MGA APPOINTEE NI P-BBM AYAW MAGLUBAY SA KAPI-FAKE NEWS -- Isang araw matapos ibida ng mga appointee ni P-BBM sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nananatiling mura raw ang presyo ng mga bilihin at bayarin sa bansa, inanunsyo naman ng National Economic Development Authority (NEDA) na lumago raw ang ekonomiya ng ‘Pinas.
Mantakin n’yo, ang taas ng presyo ng mga bilihin sa merkado, sabi ng PSA mura na raw, at sa kabilang banda ay 48% pamilyang Pinoy ang nagsabing naghihirap sila, ang sabi naman ng NEDA ay malago raw ang ekonomiya ng bansa.
‘Yan ang mga appointee ni P-BBM sa PSA at NEDA, ayaw magsilubay sa kapi-fake news, boom!





Comments