Anti-drug partylist kuno, may member namang adik, ngek!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 28, 2022
BBM, WALANG BALAK TULARAN ANG DRUG WAR NI P-DUTERTE–Ayon kay presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos, sakaling siya ang manalong pangulo ay magpapairal din siya ng drug war, pero ituturing niyang pasyente ang mga drug addict na dapat magamot o ma-rehab at ang gigiyerahin umano ng kanyang gobyerno ay ang mga bigtime drug dealer.
Aba’t, kabaligtaran ‘yan sa drug war ni P-Duterte, ha? Sa kasalukuyang gobyerno kasi ay tinotokhang ang mga adik at hinuhuli rin ang mga drug dealer.
Palpak siguro ang tingin ni BBM sa drug war ni P-Duterte, kaya wala siyang gayahin ang istayl nito. Period!
◘◘◘
HUWAG UMASA ANG MGA LOYALISTA NA MAGKAKAROON SILA NG GINTO KASI MISMONG SI BBM NA NAGSABING FAKE NEWS ANG TALLANO GOLD–Tinuldukan na ni BBM ang isyu tungkol sa kumakalat sa social media na may tone-toneladang Tallano gold ang pamilya Marcos, na magpapamigay pa ng ginto sa mga Pinoy si BBM kapag nanalo itong pangulo.
Ayon kasi kay BBM, wala pa siyang nakikitang tone-toneladang ginto na pag-aari ng kanilang pamilya.
Dahil fake news pala ang Tallano gold na kumakalat sa social media, huwag umasa ang mga loyalista na sila ay magkakaroon pa sila ng ginto kapag naging pangulo si BBM, boom!
◘◘◘
WALANG-HIYA ANG ANTI-DRUG PARTYLIST KASI MAY MEMBER SILANG DRUG PUSHER–Isang opisyal ng anti-drug partylist (People’s Volunteers Against Illegal Drugs) na si Jerklie Abdulkarim ang inaresto ng NBI (National Bureau of Investigation) dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.
Ito ang uri ng partylist na walang hiya kasi anti-drugs partylist nila, tapos may miyembro sila na nagbebenta ng ilegal na droga? Buwisit!





Comments