top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Antetokounmpo vs. Embiid, abangan sa NBA All-Star

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2022
2 min read

Updated: Feb 20, 2022

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 19, 2022





Nagpasiklab ang Philadelphia 76ers at nagwagi sa Milwaukee Bucks, 123-120, sa Fiserv Forum kahapon sa huling araw ng NBA bago ang taunang All-Star Weekend sa Cleveland, Ohio. Maghaharap muli ang mga superstar Joel Embiid ng 76ers at Giannis Antetokounmpo para sa Team Durant at Team LeBron at nagbigay ng patikim sa mga tagahanga.


Kinailangan ng 76ers ang matibay na free throw nina Embiid, Georges Niang at Tyrese Maxey sa last minute upang patahimikin ang Bucks. Halimaw si Embiid sa 42 puntos habang kinapos si Giannis sa 32 puntos.


Papasok ang Miami Heat sa All-Star Weekend matapos lampasan ang hamon ng Charlotte Hornets sa 2OT, 111-107, at samahan ang Chicago Bulls sa parehong kartadang 38-21. Ipinasok ni Kyle Lowry ang 2 pts. na may 21 segundong nalalabi, 109-105, at sinelyuhan ni Duncan Robinson ang panalo sa 2 free throw.


Hindi kasama sa All-Star si Kyle Lowry pero naka- 25 puntos buhat sa anim na 3-points at sinuportahan ni Robinson na may 21 puntos. Naglaro si Lowry sa anim na magkasunod na All-Star mula 2015 hanggang 2020 noong maging bahagi ng Toronto Raptors.


Handa na rin si Luka Doncic para sa ikatlong All-Star sa 49 puntos upang biguin ng Dallas Mavericks ang New Orleans Pelicans, 125-108. Ibinaon ng Los Angeles Clippers ang Houston Rockets, 142-111, at nasayang ang 21 puntos ni kabayan Jalen Green.


Tinambakan ng Washington Wizards ang Brooklyn Nets, 117-103. Nanguna sa balanseng atake si Rui Hachimura na may 20 pts. bilang reserba at rookie Corey Kispert na may 16 puntos.


Magbubukas ang All-Star Weekend ngayong araw sa Clorox Rising Stars tampok si Green na maglalaro para sa Team Worthy ni Coach James Worthy. Haharapin nila ang Team Isiah ni Coach Isiah Thomas at ang magwawagi ay lalaban agad para sa kampeonato kontra sa mananaig sa pagitan ng Team Barry ni Coach Rick Barry at Team Payton ni Coach Gary Payton. Bago noon ay lalaruin ang Ruffles NBA All-Star Celebrity Game, kalahok ang mga artista at sikat na personalidad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page