Anonymous bank account, ilegal
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 9, 2023
Dear Chief Acosta,
Isa akong working student na kumikita ng medyo malaking halaga. Nais kong itago ang kinikita kong ito para surpresahin ang aking mga magulang sa kanilang silver wedding anniversary na magaganap sa susunod na taon. Subalit, natatakot ako na kapag ako ay nagbukas ng isang bank account ay malalaman din ito ng aking nanay dahil siya ay nagtatrabaho sa nag-iisa at pinakamalapit na bangko sa aming lugar.
Kaya naman nais kong malaman kung maaari ba akong magbukas ng isang bank account na anonymous o bank account na nakatago ang aking pangalan? –Lisa
Dear Lisa,
Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong sitwasyon ay ang Section 9 ng Republic Act No. 9160, as amended by Republic Act No. 9194, o mas kilala sa tawag na Anti-Money Laundering Act of 2001, kung saan nakasaad na:
“SEC. 9. Prevention of Money Laundering; Customer Identification Requirements and Record Keeping. — (a) Customer Identification. — Covered institutions shall establish and record the true identity of its clients based on official documents. They shall maintain a system of verifying the true identity of their clients and, in case of corporate clients, require a system of verifying their legal existence and organizational structure, as well as the authority and identification of all persons purporting to act on their behalf.
The provisions of existing laws to the contrary notwithstanding, anonymous accounts, accounts under fictitious names, and all other similar accounts shall be absolutely prohibited.”
Samakatuwid, mahigpit na ipinagbabawal sa ating bansa ang mga anonymous bank account o ang bank accounts kung saan ang may-ari ay walang pagkakakilanlan. Bukod pa rito, mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit ng mga mali o ibang pangalan sa paggawa ng mga bank accounts. Ibig sabihin, hindi ka maaaring magbukas ng isang anonymous bank account.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





Comments