Anjo, umaming 'di na makakabalik ng Eat... Bulaga!
- BULGAR

- Apr 14, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | April 14, 20244

After a long time, nag-guest din ang dating Eat Bulaga host at aktor na si Anjo Yllana sa vlog ni Ogie Diaz.
Nag-umpisa ang panayam sa mga throwback films at sitcoms na pinagsamahan ng dalawa ngunit agad namang ibinato ni Ogie ang ilang serious questions sa ngayong “nagpapatuloy” na aktor.
Hindi na pinalampas ni Ogie na tanungin si Anjo kung nais niya bang makabalik sa Eat Bulaga kung saan ginugol ng TV host ang dalawang dekada ng kanyang buhay.
Nagpakatotoo naman si Anjo at inaming nangangarap daw siyang makabalik ngunit alam niyang hindi posible dahil nasa prinsipyo na raw ng ilan sa namumuno sa noontime show na 'wag payagang bumalik ang mga natanggal o nag-resign sa trabaho.
Sinubukan pa ngang humirit ni Ogie at tanuning kung sino ang tinutukoy ni Anjo ngunit agad itong sinagot ng aktor nang mariing, “Ayoko!”
Dito, nagtawanan na ang dalawa at napunta na rin sa iba ang kanilang usapan kalaunan.
Inulan naman ng samu't saring komento ang naging guesting ni Anjo dahil hindi din naiwasang maghimutok ng mga nagtatampong ‘dabarkads’ sa dating host ngunit marami rin ang nagpaabot ng kanilang suporta.




Comments