top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Anibersaryo ng kaarawan ni Marcos Sr., ginunita nina P-BBM at pamilya

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 11, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | September 11, 2022



Dumalo sa isang Misa ngayong Linggo, Setyembre 11, sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang buong pamilya, kasama rin si dating First Lady Imelda Marcos, upang gunitain ang ika-105 anibersaryo ng kaarawan ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.


Sa isang video na nai-post ng Radio Television Malacañang sa Facebook, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa mga matatagal nang taga-suporta ng pamilya na nagbigay ng pagkilala sa yumao niyang ama.


“I would prescribe on behalf of the Marcos family, to thank you all for joining us to commemorate once again the birthday of then President Ferdinand Marcos Sr.,” pahayag ni P-BBM.


“Muli ang pasasalamat ko ay hindi lang para sa araw na ito pero sa taon-taong hindi niyo kami iniiwanan at sa taon-taon ninyo kaming sinusuportahan,” dagdag ng Pangulo.


Nangako naman ang Chief Executive na ibibigay niya ang kanyang pinakamahusay na pagtatrabaho sa buong panahon ng kanyang termino at tutuparin ng kanyang administrasyon ang vision nito para sa isang aniya, “better Philippines.”


“We do this to keep his [Marcos Sr.] plan. It is the rebirth of not perhaps the physical body of President Marcos Sr., but it is the rebirth of his dreams, of his wisdom, of his love for this country. So let us keep that flame alive. It is reborn. Let us keep it strong and fight. And let us guide through all that we do in the future in the service of our beloved Filipinos,” ani Pangulong Marcos.


Kasama rin na dumalo sa Misa ang mga kaanak, malalapit na mga kaibigan, at mga dating Presidential Security Group (PSG) close-in officers.


Inaasahan ding dadalo si Pangulong Marcos sa isang ceremony sa “Daytoy ti Bannawag” monument sa Batac City, Ilocos Norte ngayong Linggo ng hapon.


Una nang idineklara ng Malacañang ang Setyembre 12 na isang special non-working day sa Ilocos Norte bilang selebrasyon ng birth anniversary ni Marcos Sr.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page