top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Angkas sa scooter, sapul... Estudyante, patay sa ambulansya

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | September 12, 2026



Ambulance hit a scooter - FP

Photo: File



Naglaho ang pangarap ng isang 19-anyos na college student matapos masalpok ng ambulansya ang sinasakyan nitong scooter sa isang intersection na ikinasawi nito sa Tuguegarao City .


Kinilala ang biktima na si alyas Pipoy, second year Education student.

Batay sa report ng Tuguegarao City Police Office, nakaangkas ang biktima sa scooter na minamaneho ng kaklaseng si alyas Rogie nang mabangga ng ambulansya ng city government at tumilapon ang mga ito sa kalsada.


Agad na dinala sa ospital ang dalawang biktima subalit binawian ng buhay si "Pipoy" dahil sa matinding pinsalang tinamo. Nabatid na nag-iisang anak ang biktima.

Hawak na ng pulisya ang 60-anyos na driver ng ambulansya at sinampahan na ng kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page