Angels middle blocker Phillips, lalaro sa Korean V- League
- BULGAR
- Apr 25, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | April 25, 2023

Papalo na sa 2023 Korean Volleyball Federation (KOVO) si Petro Gazz Angels middle blocker Mar Jana Phillips matapos matupad ang pangarap na makapaglaro sa pamosong Korean V-League para sa koponan ng Gwangju AI Peppers para mapabilang sa Asian Quota Draft matapos mapiling ika-5th overall pick.
Lubos ang tuwang nadarama ng two-time Premier Volleyball League (PVL) Best middle blocker sa pagkakapili sa kanya bilang nag-iisang Filipino import sa South Korean League matapos mapili ang ibang Asian imports mula Indonesia at Thailand. “It has always been my dream to play in the Korean league and now I have a chance to show what Filipinos can do. I promise to give it everything I got and make the Filipinos proud,” pahayag ng 6-footer na middle blocker sa kanyang Instagram post.
Hindi pinalad ang ibang mga Filipinong manlalaro na kinabibilangan nina Creamline Cool Smashers’ Julia Morado-De Guzman, Dindin Santiago-Manabat ng Akari Chargers, Mylene Paat ng Chery Tiggo Crossovers at nina Majoy Baron at Iris Tolenada ng F2 Logistics Cargo Movers.
Mapapabilang ang 27-anyos na Filipino-American sa mga Pinoy na kasalukuyang naglalaro sa ibang bansa mula kina Jaja Santiago ng Ageo Medics at Bryan Bagunas ng Win Streak.
Gayunpaman, tila masasaktan ang kampanya ng Petro Gazz sa dalawang sunod na komperensiya sa PVL sa pagtatpat ng liga sa Korean League, kasunod ng pagpasok ng koponan sa magkadikit na Finals appearance, kung saan natulungan nitong makuha ang ikalawang titulo sa 2022 Reinforced Conference at runner-up finish sa All-Filipino Cup na pinagtagumpayan ng Cool Smashers sa tatlong laro. “Maraming salamat po sa inyong lahat who have supported me through my journey. Please keep supporting me as I enter this new chapter. Thank you, Gwangju Ai Peppers, for giving me this opportunity,” wika ni Phillips.








Comments