top of page

Angels at Movers babawian ng CCS at Hitters sa PVL titular games

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | March 28, 2023



Makokonsiderang mala-David versus Goliath ang bakbakang Petro Gazz Angels at Creamline Cool Smashers sa kanilang best-of-three championship series – subalit tila nakaisa na ang mas pursigido at determinadong challenger na hindi papaawat upang makuha ang inaasam na back-to-back na korona at makabawi sa koponang lumampaso sa kanila sa nagdaang mga komperensiya.


Nasungkit ng Petro Gazz ang isang pambihirang panalo sa dikdikang Game 1 sa pamamagitan ng fourth set panalo sa 25-22, 24-26, 25-23, 26-24 nitong Linggo ng gabi kasunod ng hindi pagsuko sa laro ni Jonah Sabete kahit may iniindang cramps upang lumapit sa inaasam na kauna-unahang korona sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na inihahanda ang muling paghaharap sa Game 2 ngayong Martes ng gabi.


Isang panalo na lamang ang kinakailangan ng 2022 Reinforced champions na Angels upang maisakatuparan ang matamis na pagbawi sa Cool Smashers na nangwalis sa kanila noong 2022 Open Conference.


Gayunpaman, nais panatilihin ni coach Oliver Almadro ang bagsik at higpit ng preparasyon dahil hindi nila maaaring balewalain ang kakayahan ng Cool Smashers na makabawi at makabalik sa laban sa tagpong laro sa ganap na alas-6:30 ng gabi, habang tatangkain ding kunin ng F2 Logistics Cargo Movers ang third place finish laban sa PLDT High Speed Hitters sa unang laro sa alas-4:00 ng hapon.


We’re not taking the one-win-away, we just have to do our job, we just have to prepare, and we need to manage ourselves not to be overwhelmed, we have to be consistent, so sabi nga namin we will brief them properly, kase tapos na yung isang game, but hindi pa tapos yung series so sabi nga nila mahirap to get the series,” pahayag ng first-timer Finalist sa professional league, na aminadong babawi ang pwersa ng defending champions, kaya’t kinakailangan ng matinding preparasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page