top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Angeles at calida, hindi na dapat nag-resign kasi masisibak din naman

  • BULGAR
  • Oct 6, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 6, 2022


HINDI NA DAPAT NIRE-APPOINT NI P-BBM SINA SEC. DIOKNO, SEC. BALISACAN AT SEC. PASCUAL—Noong Agosto 2022 ay tumaas ng 6.3% ang inflation rate sa Pilipinas at nitong nakalipas na Setyembre 2022 ay mas tumaas pa ito sa 6.9% kaya't sa ngayon ay sobrang mahal na ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


Ibig sabihin niyan ay palpak ang diskarte ng mga members ng economic team ni President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kung kaya't hindi nila mapalago ang ekonomiya na nagdudulot nga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.


Ang masaklap, imbes na hindi ire-appoint ni P-BBM matapos i-reject ng CA (Commission on Appointments) ang mga appointments nina Finance Sec. Benjamin Diokno, Sec. Arsenio Balisacan ng National Development Economic Administration (NEDA) at Sec. Alfredo Pascual ng Department of Trade and Industry (DTI) ay inire-appoint pa ulit ni P-BBM ang tatlong opisyal na miyembro ng Marcos administration economic team.


◘◘◘


KAPAG PUMALPAK NA NAMAN, MALAMANG AY I-REJECT SA CA ANG TATLONG MIYEMBRO NG ECONOMIC TEAM NI P-BBM—Ngayong nire-appoint na ni P-BBM sa kanilang mga puwesto sina Finance Sec. Diokno, Sec. Balisacan (NEDA) at Sec. Pascual (DTI), dapat pagbutihin na nila ang kanilang trabaho.


Kasi kapag sila ay pumalpak na naman. at tumaas ang inflation rate ng 'Pinas, asahang reject na naman sa CA ang appointments ng tatlong miyembro ng economic team ni P-BBM.

◘◘◘


HINDI DAPAT NAG-RESIGN SINA SEC. ANGELES AT COA CHAIRMAN CALIDA KASI NANG HINDI SILA IRE-APPOINT NI P-BBM, MATIK NA SIBAK SILA SA PUWESTO—Kabilang sina Press Sec. Trixie Angeles at COA (Commission on Audit) Chairman Jose Calida sa mga opisyal ng pamahalaan ang ni-reject ng CA ang kanilang appointments at dahil hindi sila nire-appoint ni P-BBM ay naobliga ang dalawa na mag-resign sa kanilang posisyon.


Sa totoo lang, dapat hindi na nag-resign sina Angeles at Calida kasi ang sinumang opisyal ng gobyerno na ni-reject ng CA at hindi nire-appoint ng pangulo ay automatic sibak.


◘◘◘


HINDI MAN AMININ, MASAKIT KAY VIC RODRIGUEZ NA NAWALA SIYA SA TABI NI P-BBM—Hindi man aminin, tiyak na masakit para kay dating Executive Sec. Vic Rodriguez ang pagkawala niya sa tabi ni P-BBM.


Ang tagal nilang magkasama at magkatabi sa laban, mula sa kampanya noong 2016 vice-presidential election, mula sa anim na taon (June 2016-June 2022) pakikipaglaban sa election protest kay former Vice-Pres. Leni Robredo, at sa kampanya sa 2022 presidential election, tapos nang nagwagi si Bongbong sa pagka-presidente at itinalaga siyang executive secretary, sa dami nang gumiba sa kanya, ang hantungan ay out na siya sa Malacañang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page