top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

ANGEL AT CLAUDINE, NO SHOW SA BUROL NG MANAGER NA SI ETHEL RAMOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | September 15, 2023



Marami naman ang naghanap sa ilang naging ‘alaga’ ni Manay Ethel Ramos sa kanyang burol gaya nina Claudine Barretto at Angel Locsin.


Ayon pa sa aming mga nakausap, mukhang hindi man lang nagparamdam ang mga ito lalo na si Angel na siyang maituturing na huling artistang inalagaan ni Manay Ethel.


Well, hindi natin alam ang dahilan nina Angel at Claudine, pero sa tingin at isipan ng mga nakakakilala at nakakaalam, hindi magandang tingnan o pangit sa panlasa ang tila “pasabi” lang ng tinatawag na Team Angel na pagpapaabot ng pakikiramay.


Sana nga ay nagkakamali kami o hindi lang nakapagtanong nang maayos, pero sa dami naming naririnig at sa dami rin ng naghahanap sa presence nila at kahit isa-isahin pa ang mga nakahilerang bulaklak sa lamay, wala ang name ni Angel o ni Claudine.


Wala lang. Nakakalungkot lang na malaman ang mga ganito lalo't minsan isang panahon ay natulungan ang mga karera nila ni Manay Ethel Ramos bilang kanilang manager.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page