top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ang lupet sa unahan ni Righteous Ruby

BULGAR
Jun 7, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 7, 2022


Nasaksihan ng mga karerista ang husay ni Righteous Ruby nang magwagi sa PHILRACOM "Special Imported/Local Challenge Race noong Linggo ng hapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Kalmadong lumabas ng aparato si Righteous Ruby na nirendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jonathan Hernandez, pinabayaan nilang mauna sa largahan sina Raintree Starlet at Darleb.


Gumapang papunta sa unahan si Righteous Ruby na nasa pang-7 puwesto sa kalagitnaan ng karera, hinabol nito ang nagbabakbakan na sina Raintree Starlet at Darleb.


Pagsapit ng far turn ay kumukuha na ng unahan si Darleb habang si Righteous Ruby ay unti-unting umuusad.


Tangan na ni Darleb ang unahan subalit pagsapit ng huling kurbada ay naagaw na ni Righteous Ruby ang bandera at tumuloy-tuloy na ito sa meta.


Inirehistro ni Righteous Ruby ang 1:49.6 sa 1,750 meter race sapat upang ibulsa ang P180,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


"Magaling talaga si Righteous Ruby, pagrumemate hindi maawat at tapang kumuha ng unahan," saad ni Bernardo Domingo, veteran karerista.


Dumating na segundo si Shastaloo habang tersero si Darleb, nakakuha sila ng tig-P60,000 at P30,000 ayon sa pagkakasunod.


Hindi naman nagpadaig si Cam From Behind matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa pang-anim na karera.


Nadale ni Cam From Behind ang karagdagang premyo na P5,000, pumangalawa si Ninong habang dumating na tersero at kuwarto sina Early Bird at Tocque Bell.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page