top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Andres-de-saya kay misis… ERWAN AT MATTEO, AMINADONG SINA ANNE AT SARAH ANG ‘BOSS’ SA BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 22, 2026



SHEET - ERWAN AT MATTEO, AMINADONG SINA ANNE AT SARAH ANG ‘BOSS’ SA BAHAY-IG _erwan & _matteog

Photo: IG _erwan & _matteog



“She is (Anne Curtis),” ito ang natawang sagot ni Erwan Heussaff sa tanong ni Matteo Guidicelli kung sino ang boss sa bahay nila sa guesting nito sa Matteo G. Primetime na mapapanood sa YouTube (YT).


Inamin din ni Matteo na ang asawang si Sarah Geronimo ang boss sa bahay nila kaya nagtawanan ang dalawa.


Inamin din ng food content creator, entrepreneur, at media producer na pareho silang independent ni Anne, bagay na itinuturo rin nila sa nag-iisa nilang anak na si Dahlia.

Tanong ni Matteo kay Erwan, “What is the secret of a lasting, strong, loving marriage for Erwan Heussaff?”


“I think for us, it’s really respect. It’s not trying to change who we are or who you were. Obviously, just because you want to see people challenge each other, grow together, and evolve doesn’t mean they can’t change. But if you decide to marry a person, marry that person in that moment and whatever comes with that person,” paliwanag ng mister ni Anne.


Naramdaman ni Erwan na si Anne ang babaeng para sa kanya dahil sobrang supportive nito sa lahat ng bagay. 


Puwede siyang magpaalam anumang oras kung aalis siya at hindi siya tatanungin ng TV host-actress kung bakit siya aalis, saan pupunta, at kung anu-ano pa.


Ganoon din si Erwan sa asawa, kapag may lakad ito o may shooting at hindi makakauwi nang ilang araw ay okay lang din sa kanya.


Ang perpektong halimbawa ni Erwan ay noong hindi pa sila mag-asawa ni Anne, madalas silang gumimik.


“Anne and I, if we go out together—this is way back when we used to go to bars and everything. I’d be like, 10:30 PM I wanna go home, and she’ll be like, ‘Okay, I’ll stay.’ And there was no fight,” kuwento ni Erwan.


Samantala, maraming hindi nakakaalam na marunong palang umawit ang mister ni Anne at sa katunayan ay kinakantahan nito lagi ang anak bago matulog.

“My lullaby for Dahlia was Fix You by Coldplay,” at nagbigay pa ng sample ang mister ni Anne. 


Maganda ang boses nito, kaya biro ni Matteo ay kung kino-coach nito ang aktres.

“Do you coach Anne sometimes?” tanong ni Matteo.


“Sometimes, too!” natatawang sagot ni Erwan.


Samantala, wala ring isyu kay Erwan Heussaff kapag ang pakilala sa kanya ay ‘Asawa ni Anne Curtis’ na kinatuwaan online.





NAGPAALAM na ang Filipino idol girl group na MNL48 nitong Mayo 2026, ayon sa post ng kanilang manager sa Facebook (FB) account.


Unang nasilayan ang MNL48 noong 2018 under Hallo Hallo Entertainment.


Pang-apat ang MNL48 sa mga sumikat na girl group sa Pilipinas tulad ng AKB48 sa Japan, pagkatapos ng Indonesia’s JKT48, SNH48 ng China, at Thailand’s BNK48.


Dahil sa pandemya, nawala ang MNL48 dahil bawal lumabas noon, at muli silang nagbalik noong Abril 2025 at muling inilunsad sa isang mini-music festival na Reboot and Rise 2025 sa ilalim ng bagong management, P.O.S. Inc..


Sa FB account ng MNL48 na may 1.2M followers, inanunsiyo ang pamamaalam ng grupo dahil hindi na kayang i-sustain ang kanilang operasyon.

Ito ang official statement ng management company ng MNL48:


“Thank you always for your continued support of MNL48.


“After extensive discussions with all relevant parties, P.O.S. Inc. has made the difficult decision to conclude MNL48’s activities as of the end of May 2026.


“Throughout its activities, MNL48 has been supported by many fans, members, staff, and all those involved. However, after carefully considering the sustainability of the management structure, the future operating environment, and the various conditions necessary to continue supporting the group in a stable manner, we have come to the conclusion that it would be difficult to continue MNL48’s activities going forward.


“As management, we have done our utmost to carry MNL48 forward in the best possible way. We deeply apologize for not being able to fully meet everyone’s expectations in the end.


“We would also like to announce that the music video for Pag-ibig Fortune Cookie, released on YouTube today, will be MNL48’s final work as a group.”


Maraming supporters ng MNL48 ang nalungkot at nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagsuporta sa girl group. 


Pang-apat ang MNL48 sa mga girl groups na naging bukambibig sa bansa matapos silang i-launch noong 2018.


Isa kami sa mga nalungkot din dahil naging bahagi kami ng grupo mula noong i-launch sila noong 2018, kasama ang kanilang publicist na si Vangie Ruiz sa pagtatawag ng media, vloggers, at TV para sa presscons ng kanilang mga album, videos, projects, at sa mga dynamics nila bilang grupo, pati na rin ang pagpunta nila sa ibang bansa upang ma-update ang kanilang mga supporters.


Sa kanilang pagbabalik noong Abril 2025, si Vangie pa rin ang humawak ng kanilang media relations.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page