Andrea, “healing and growth” ang hiling sa 2024
- BULGAR
- Dec 20, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 20, 2023

Ibinunyag ng aktres na si Andrea Brillantes na hindi siya umaasang may mangyaring espesyal sa kanya sa 2024, ngunit inaasahan niyang magiging isang taon ito ng self-recovery at development.
“Hindi na kasi ako masyado nag-e-expect. Basta growth lang and healing,” sabi ni Andrea nang tanungin tungkol sa kanyang expectations sa 2024, sa isang short video clip sa X post ng ABS-CBN NEWS.
Sinabi ni Andrea, 20, ang star ng sikat na primetime series na "Senior High," na umaasa siyang mas maraming oras ang maibibigay niya sa kanyang pamilya sa holidays.
"I want to wrap it up by spending with my family. Hindi na ako nakapag-spend ng time sa kanila dahil naging busy ako sa work. Sa iba na kasi ako nakatira. Masaya naman (ang 2023) and lahat ng natutunan ko dadalhin ko sa 2024," dagdag niya pa.
Nang tanungin naman tungkol sa kanyang Christmas wish, ang sagot ng aktres, “Masaya naman ako at healthy ang family ko. Maayos naman. Ang Christmas wish ko is matuto na mag-drive. Yun! I can drive na pero sa village lang hindi ko pa kaya sa highway.”
Comments