Andrea, gagawin na ang lahat ng gusto ngayong 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 17, 2024

Nagpahayag ang aktres na si Andrea Brillantes ng kanyang determinasyon na magbigay ng aksyon para sa kanyang mga kahilingan nang dumalo siya bilang guest sa show na "Magandang Buhay" ngayong Miyerkules. Kasamang dumalo ni Andrea ang kanyang mga co-stars sa "Senior High."
Sinabi niya na sa taong 2024, ititigil na niya ang procrastination at sisimulan na niyang gawing reyalidad ang lahat ng kanyang mga pangako sa sarili.
“Kasi parang ang dami kong sinabi nu’ng 2023 na 'I want to do this, I want to do that.' Pero I just realized like couple of weeks ago na I didn't put enough actions to make it come true, to put it into reality. For example, it doesn't have to be malalim po. like puro ako 'I want to eat healthy, I want to workout' never ko siyang nagawa. Parang 'yung workout na 'yon parang 2016 pa yata eh or like 'I want to get my driver's license' pero puro ako 'wala kasi akong time,” paliwanag ni Brillantes nang tanungin kung anong yugto sa kanyang buhay ang nais niyang tapusin.
"Pero this year, I am going to make time and I am going to put an extra effort para magawa ko na talaga 'yung plans ko for 2024. Stop procrastinating na rin. At saka 'yung promises ko sa self ko, tutuparin ko this year. This is the year," dagdag niya.





Comments