Andi, sumusunod na sa yapak ni Jaclyn
- BULGAR
- Jul 27, 2024
- 2 min read
by Angela Fernando @Entertainment | July 27, 2024

Naging emosyonal si Andi Eigenmann nang balikan ang mga birthday party na inihanda para sa kanya ng yumaong aktres at inang si Jaclyn Jose nu'ng siya'y bata pa. Ito ay kasabay ng paghahanda niya para sa ika-5 kaarawan ng anak na si Lilo.
Ibinahagi ni Andi sa Instagram ang inihanda niyang party ni Lilo na nagpaalala sa kanya kung paano siya lumaki sa mga birthday celebrations na DIY (do it yourself) ng nanay niyang si Jaclyn.
Pagbabahagi pa ng aktres at content creator, ginanap ang kanyang mga party sa kanilang bahay kasama ang pamilya, mga pinsan, at mga matalik na kaibigan.
“Back then I didn't think anything of it. They weren't anything grand, no cool acts or fancy giveaways, like at the ones we would get invited to. But now, looking back, I realise how lucky I was to have a nanay as punong-abala as she was, who, in her own way, always made sure I had a birthday to remember,” saad nito.
“Each birthday I spent with my friends, laughing our butts off, pulling all-nighters fueled by our sugar highs, was a core memory for sure. And this is all thanks to her. I will always have a vivid picture of her mischievous smile as she takes a peep in my room to check up on us. The look of ‘ayayay! But go ahead and ransack the house anyways,’” dagdag pa ng aktres.
Pagbibida ni Andi, sumusunod na raw siya sa yapak ng ina sa paraan nito ng paghahanda para sa kanyang mga birthday parties.
Maraming netizens naman ang naka-relate at naging emosyonal sa ibinahagi ng aktres. Natuwa rin ang mga ito sa kung paano sinasanay ni Andi ang mga anak sa simpleng pamumuhay.





Comments