top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Anak, wala raw utang na loob, minura pa siya…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2020
  • 4 min read

SIGAW NG MADIR NI PIA: SARAH, NA-GANG RAPE KA SA EDAD NA 10 KASI GINUSTO MO 'YUN!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 3, 2020




Ilang araw muna ang pinalipas ng nanay nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at Sarah Wurtzbach-Manze na si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall bago sinagot ang akusasyon sa kanya ng bunsong anak.


Sa kanyang YouTube Channel na "Mommy Cheryl with A Heart" na may 30.4K subscribers, naglabas ng saloobin ang ina nina Pia at Sarah kasama ang asawang si Nigel Tyndall, at umabot naman na ito sa 44K views.


Matatandaang kamakailan ay may pasabog si Sarah laban sa kanyang ina.


Aniya, “She solicited me when I was younger in exchange for money, then I got gang raped and then raped again for the second time, and she told me, I deserved it.”


At nang tanungin si Sarah ng, “Do you have any happy memories with your mom?" ang naging sagot niya ay, “Mmmm, right now, no. I have pure hatred towards that animal.”


Well, ang stepdad muna ng magkapatid na Wurtzbach na si Nigel ang nagsalita na halatang pigil ang galit.


“It took a lot of times to think back over years of all the wrongs and bad things that done to us, and Cheryl, after we helped her,” sabi nito.


At dito na nga nagsimula ng kuwento si Cheryl noong nakatira sila sa Pasig City bago nanirahan sa UK.


“As a single mom po, napakahirap alagaan ng dalawang batang babae na mestiza. Talagang binabantayan ko po ang mga anak ko. Kasi po, alam n’yo, after six years na wala kaming anak ng aking first husband dahil ayaw naman niyang magkaanak, talagang pinilit kong magkaanak.


“Gagawin ko ba naman ‘yan sa mga anak ko? Hindi po, hindi po ako ganyang tao, hindi po ako ganyang ina. Huwag n'yo po akong husgahan kasi talaga pong inalagaan ko 'yung aking mga anak,” kuwento ng ina ni Sarah.


Sina Pia at Sarah ay mga anak sa unang asawa ni Cheryl na si Uwe, German national na namatay noong 2014.


Patuloy na kuwento ni Cheryl, nu'ng bata pa si Sarah, nabarkada ito at halos alas-diyes na nang gabi ay hindi pa umuuwi sa kanilang bahay kaya hinahanap naman nila ni Pia sa kung saan-saan, hanggang sa napapagod na lang daw sila at umuuwi na lang.


"Uuwi na lang po kami ni Pia na kabang-kaba ako. Maya-maya po, darating po si Sarah. Sabi ko, ‘Saan ka galing?’”


Nabanggit pa ng nanay ng magkapatid na kinumpiska nito ang cellphone ng bunsong anak para hindi makapag-text sa mga barkada, at sa pakiwari niya ay ito ang naging dahilan kaya nagrebelde si Sarah.


“Kasi doon siya nakikipag-text sa mga kaibigan niya sa labas. Mga babae naman po pero mas matanda sa kanya.”


May kapitbahay daw sina Cheryl na nagsabing, “Ate, bantayan mo 'yang si Sarah kasi dina-drugs 'yan doon sa dulo. Baka kung ano na nangyayari sa anak mo, bantayan mo.”


Kinausap ni Cheryl si Sarah na kahit na anong pilit ay hindi umamin kaya umabot pa sila sa barangay ng taong nagsumbong sa kanya para lang mapaamin ang anak.


“So, nagpa-barangay na ako para magharap-harap kami doon noong kapitbahay. Ako, 'yung barangay captain, si Sarah, si Pia. Noong mga 10 years old po 'yun [si Sarah], ganu'ng edad.

“Eh, di pinapaamin si Sarah kung totoo 'yun. ‘Bakit, dina-drugs ka ba roon? Umamin ka, Sarah. Umamin ka.’


"Eh, nakikita ko, 'yung kapitbahay namin, parang pinandidilatan niya si Sarah. ‘Umamin ka na, umamin ka,’ mga ganu'n. So, parang nagagalit ako, ‘Bakit pine-pressure n'yo ang anak ko? Kung hindi naman talaga totoo, aamin naman 'yan, iiyak sa akin 'yan, magsusumbong sa akin 'yan.’”


Sa madaling salita, walang saysay ang paghaharap nila sa barangay dahil hindi umamin si Sarah.


At nang makalipat sila sa UK ay dito na nalaman ng ina ang nangyaring pang-aabuso kay Sarah dahil nakatanggap siya ng sulat mula sa principal ng eskuwelahang pinapasukan ng anak.


Sabi raw sa kanya ng principal nang puntahan niya sa school, "Sarah has a problem. She’s talking to other classmate and to some mothers about what happened to her in the Philippines."


Nagulat daw talaga siya dahil wala siyang kaalam-alam. Tatlong taon na sila sa UK pero wala naman daw sinasabi sa kanya ang anak.


Kaya pag-uwi nila sa bahay ay kinompronta na niya si Sarah.


“Sarah, ano'ng nangyari sa ‘yo? Bakit sa kanila mo sinasabi, bakit hindi sa akin? Bakit mo inilihim na halos tatlong taon na tayo rito, hindi mo sinasabi sa akin, sa ibang tao mo sinasabi? Ano'ng nangyari sa ‘yo? Sino'ng gumawa sa ‘yo?


“Nagsabi ako ng mga pangalan na na-encounter namin sa buhay namin doon. Hindi raw, hindi raw, hindi raw."


At kahit pilit daw niyang pinaamin ang anak ay hindi umamin. Baka raw may nanakot dito.


Sa tingin ni Cheryl ay nakararamdam ng postpartum si Sarah kaya nakakapagsalita ng kung anu-ano.


“I love my daughters. I don’t believe that she hates me so much. I know she loves me. I still believe that. I always think maybe it’s postpartum. I just want to believe that it’s just postpartum, harder than normal or worse than normal."


Samantala, bilang sagot sa mga paliwanag ng ina sa kanyang YT channel ay ipinost ni Sarah sa kanyang IG stories ang text message ni Cheryl nitong May, 2020 lang.


Ang sabi sa mensahe, “Karmahin ka sana nang todo sa pagmumura mo sa akin. Wala kayong utang na loob! Tumira kayo dito ng dalawang taon, dito sa flat ni Nigel, pero mga wala kayong respeto! Mga wala kayong utang na loob!


"Na-rape ka kasi ginusto mo ‘yun. Hindi ka mapigilan. Yes, 10 yrs. old ka pa lang, lumalabas ka na ng bahay sa gabi! ‘Yung grupo ni ‘Alupihan’ sa Pasig, du’n ka nire-rape. Sabi ni Beng, 'di ba? Dito ka sa UK nagdadaldal, sinabi mo sa nanay ni Dara, ipinagkalat mo pa sa Trinity, tapos sinabi mo sa hoodlum na si Charlie, 'di ba?


"O, ano ngayon napala mo? Tapos, ako sisihin mo, hayop kang babae ka? FYI, nagpunta na rin ang mga pulis dito at ini-interview kami tungkol sa inyo.”


Well, ngayong nailatag na namin ang parehong panig (bagama't 'di pa nagsasalita si Pia para sa sarili niyang version), kayo na lang po ang mag-analyze kung sino ang nagsasabi nang totoo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page