top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Anak nina Aga at Charlene, astig! ANDRES, COMMERCIAL ENDORSER NA SA SPAIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | July 5, 2023



Kumpleto ang del Rosario family ng Viva Group of Companies sa pag-welcome kay Atasha Muhlach sa kanilang bahay.


Mula kay Boss Vic, hanggang sa mga anak nitong may kani-kanyang kumpanyang hinahawakan sa Viva, naroon silang lahat sa Viva Cafe sa Araneta Center last Monday.


First time naming nakita si Boss Vic at ang kanyang mga anak na present sa isang event upang magbigay ng suporta sa unica hija nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na pinasok na nga rin ang showbiz.


Talagang royalty treatment ang ibinigay nina Boss Vic at mga anak nitong sina Vincent, Veronique, Val at Verb kay Atasha.


Excited din ang lahat sa napakagandang dalaga nina Aga at Charlene na nagtapos ng pag-aaral sa London, United Kingdom (habang ang kanyang twin naman na si Andres Muhlach ay nag-aaral sa Spain) at nakilala na ring commercial endorser sa bansa.


Sa ganda ni Atasha na maraming kakabugin na beauty queens, sure din kaming marami pa itong namanang talents at skills from her parents.


And based from the way she answers questions, nakikita naming magiging mahusay siyang host at aktres.


Welcome to the showbiz world, Atasha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page