Anak ni Sen. Jinggoy, bina-bash pa, pumalag… JULIAN, NAGSALITA NA KUNG PAANO NABUGBOG NG 3 LALAKI SA BORACAY
- BULGAR

- May 27
- 4 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 27, 2025
Photo: Julian Estrada - IG
Nagsalita na ang anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Julian Estrada sa insidenteng nangyari sa kanya sa Boracay last Saturday.
Unang lumabas sa balita na nilapitan daw ng isa sa mga suspek ang isang biktima at biglang sinuntok. Nu’ng umawat ang isa pang biktima ay itinulak at sinuntok din ng tatlong lalaki sa tapat ng isang hotel sa Bgy. Balabag.
Narito ang pahayag ni Julian sa kanyang Instagram (IG) Story, “To set the record straight.. there was no fight, it was an unprovoked attack.
“Jelo and I were already walking away from a peaceful night, heading home. When one of them walked up, said a few words and threw the first punch.
“What followed wasn't a scuffle, it was a group jumping and yet people online were so quick to say ‘deserved,’ ‘buti nga,’ funny how loud people get when they're hiding behind screens...
“Twisting a story they weren’t even there for. This wasn’t some bar fight.
“We weren’t looking for trouble and we sure as hell didn’t start any but it's easier I guess for strangers to believe the version that fits their bias.
“It’s easier to hate than to ask what really happened so before you speak of someone else’s pain, make sure you know the truth because what you say says more about you than it ever will about me. To everyone who checked in, messaged or simply kept it real, thank you. Your support didn't go unnoticed. I'm taking time to rest and move forward, that's all there is to it.”
Naghain na ng reklamo si Sen. Jinggoy laban sa mga suspek na umano’y nanakit kay Julian at sa pamangkin na si Jefferrely sa isla ng Boracay.
Nagtamo si Julian ng sugat sa ulo at nasira ang isang kuko sa paa pagkatapos daw sipain nang sunud-sunod. May tama naman daw sa ilong ang pinsan ni Julian.
As of this writing, nagpapagaling daw sa ospital ang magpinsan.
Hati naman ang mga netizens sa kanilang reaksiyon sa pahayag ni Julian Estrada:
“Kinda hard to believe coming from you.”
“Oo nga. Ilabas n’yo rin ‘yung version ng kabilang panig…”
“Kilala mo ba kung sino ako? Unprovoked ‘yon ????”
“Hindi ka mabugbog na walang dahilan. Period.”
Sey ng ibang mga netizens, “Maangas or not, it’s not right na binugbog sila.”
“Reason enough na ba ‘yun, para upakan at bugbugin mo ang tao? Kahit saan tayo pumunta, meron at meron tayong ma-meet na mga tao na mahangin at maporma. Kung hot-headed ka, abutin mo kulong at sakit ng katawan.”
“Boracay should be cleansed again. To think there’s also an unresolved murder of a female foreigner in Boracay. Also, suspects of kidnapping/murder were found hiding in Boracay etc..”
May ilan naman na pati nakaraang insidente tungkol kay Julian ay kinakalkal pang muli:
“Sabi mo ‘yan, eh… dumaan nga lang si Ben Simmons, tinawag mong supot! (nasa IG post n’ya) Malamang umariba na naman kayabangan mo kaya ka na-jombag.”
“Ganyan din s’ya nu’ng teenage years n’ya kasama n’ya si Diego Loyzaga noon, nasangkot din sila sa gulo.”
Sabeee?
INALALA ni Matet de Leon ang ika-40 araw ng pagkawala ng kanyang ina, ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
Ipinost ni Matet sa kanyang Instagtam (IG) ang picture ng pagbisita nilang magkakapatid sa puntod ni Nora kasama ang kanilang mga anak kahapon.
Caption ni Matet sa kanyang IG post, “Today marks 40 days since our mommy left this world. In our tradition, the 40th day is a time to remember, pray, and let go with love - trusting that her soul is finding peace and rest.
“Not a day has passed without thinking of her - her kindness, her laughter, her quiet strength. She gave so much of herself to everyone around her, and even in her silence, she had a way of making you feel loved.
“The pain of losing her is still so real. Some days it feels like she’s just in the next room, and others, her absence is too loud to ignore. But even in grief, I find myself remembering her smile, her guidance, and the many lessons she left behind - in the way she lived, loved, and believed.
“Today, as we mark her 40th day, we offer our prayers. We remember her, we honor her, and we release her - trusting that she is now in a place of peace, surrounded by the light and love she gave so freely here on Earth.
“To those who have stood by me and our family during this time - thank you. Your kindness and prayers have been a source of strength when we needed it most.
“And to you, Ma, I carry your love in everything I do. I miss you more than words can say. I hope you are at peace. I hope you know how deeply you are loved and how much you are missed.
“You are forever in our hearts.”
‘Yun na.










Comments