top of page

Anak ni Ramon Ang, dyowa na talaga… JACOB ANG, KASAMA NA NI ATASHA AT PAMILYA SA BAKASYON SA JAPAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 minutes ago
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | December 6, 2025



BULGARY - JACOB ANG, KASAMA NA NI ATASHA AT PAMILYA SA BAKASYON SA JAPAN_IG _aagupy

Photo: IG @aagupy



Hindi na maitatanggi ni Atasha Muhlach na may ugnayan na sila ng anak ng business tycoon na si Ramon Ang, si Jacob Ang.


May kuhang larawan ang pamilya Muhlach habang sila ay nagbabakasyon sa Japan kasama si Jacob. 


Ayon sa mga netizens, patunay daw iyon na may relasyon nga sila.

Komento ng mga Marites…


“‘Yung ayaw nilang mag-BF ang anak nila… pero dahil kilalang pamilya, approved agad.”


“Billionaire pa, sasayangin pa ba ang pagkakataon? Nakabingwit ng malaking isda, eh.”


“I think, nasa tamang edad na s’ya para magkaroon ng BF.”


“Maliit lang naman kasi ang circle of kakilala ng mga ‘yan. At saka s’yempre, pipili na lang din ng manugang, bakit hindi pa ‘yung mayaman?”


“Parang wala namang naging ganyang statement ‘yung parents nila? In fact, they were praised pa nga dahil open-minded sila sa ganyan unlike the other twin-parents in showbiz.”


Hmmm… tila may pinariringgan yata ang isang commenter.

“Parang never naman nilang sinabi na bawal pa mag-BF si Atasha. Ang condition lang n’ya is basta pumunta sa bahay kung manliligaw. Wala nga silang pakialam kung ano ang gusto ng anak nila basta makatapos lang ng pag-aaral.”


“Naku! Baka nga mas natakot pa n’yan si Aga kaysa sa botong-boto, eh. Baka nga pinayuhan pa n’yan si Atasha kung sigurado s’ya sa papasukin n’ya. Mas mahirap kayang maging dyowa ang mga ganyang high profile. Kaso mukhang walang magawa at mukhang in love na in love rin ‘yung guy. Laging nakabuntot sa out-of-the-country trip. Pati sa recent post ni guy sa IG, nasa bahay s’ya ng Muhlach at nasa yate.”


“No doubt ‘yan dahil kering-keri naman ng guy na gumastos.”


“Baka nu’ng minor pa si Atasha, bawal pa dahil focus sa pag-aaral. Ngayong legal age na s’ya plus may work, ano pang reason nila to stop Atasha from dating? At saka ‘di naman lugi si Ang kay Atasha, beauty and brains si girl at maganda rin ang school na pinanggalingan.”


“Check out Oliver’s Coffee menu, which is apparently owned by Jacob. Just posted their newest drink, Tash Light Dream. When I saw this, for me, this already low-key confirmed everything.”


“Hahaha! I noticed that one too. Followed ko kasi si Tommy na friend ni Jake and na-curious sa Oliver’s Coffee since franchisee s’ya. Mukhang down bad si guy kay Atasha. In fairness, match sila.”


“Du’n ko rin unang nalaman kay Tommy Tiangco sa TikTok. May post kasi s’ya with tropa kasama si Jake and may nagtanong kung single pa ang tropa n’ya. Sagot ni Tommy, ‘yung Mike tsaka ‘yung isang tropa na lang daw nila ang single. So meaning. may dyowa si Jake. And nakita ko sa search bar, dami na pala nilang sightings together. Grabe maka-stalk ang mga fans. Hahaha! ‘Kakilig din sila, very private but not secret ang atake nila.”


“High profile ‘yang dalawa, tapos nasa showbiz pa si Atasha. Saka mukhang hindi naman nila itinatago. Private lang sila. I saw Niceprint’s same-day edit sa wedding ng cousin ni Jacob and nandu’n si Atasha sa wedding.”


“They don’t need Ang’s fortune kung tutuusin. Kaya nila ang same lifestyle kahit wala ang yaman ng mga Ang. Nakabili nga si Aga ng yate during pandemic kahit ‘di na s’ya ganu’n ka-active sa showbiz. Ngayon pa kaya na graduate na si Atasha at malaki na rin kinikita sa showbiz?”


Well, kailan kaya ang hard launch o paglalantad nina Atasha Muhlach at Jacob Ang ng kanilang relasyon? Abangan!



Meme, after pandirihan…

VICE AT SHUVEE, BATI-BATI MUNA PARA SA MOVIE



Hindi naman pala inalis si Shuvee Etrata sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nina Vice Ganda at Nadine Lustre, ang Call Me Mother (CMM).

Katunayan, kasamang humarap ang Kapuso actress sa mediacon ng all cast ng nasabing movie.


Natanong pa nga siya, “Aside from your biological mother, who is that person you consider as a ‘mother’?”


Ang sagot ni Shuvee, “Si Meme Vice po. Mahilig lang s’yang mamburag (mang-asar) as a joke pero deep inside, he has a good heart and beauty inside.”


Emotional namang sabi ni Meme Vice, “Ako, love ko ‘yang si Shuvee. Kaya sabi ko, ‘wag tayong malulunod sa ingay. Dapat tayong dalawa ang nagkakaintindihan. At nagkakaintindihan kaming dalawa ni Shuvee.”


Pinuri naman ng mga netizens ang young actress sa kanyang sagot.

“Ito ‘yung hinihintay ko, marinig kung ano’ng mensahe nila sa isa’t isa after all na tsismis or what. Nangibabaw pa rin ang love at pagkakaintindihan. The best ka talaga, Meme! Araw-araw mo kong pinapaiyak sa Showtime.”


“Ang eloquent magsalita ni Shuvee. Kudos for taking the accountability kaya love, love na sila ni Meme.”


“Parang may alam si Nadine. Hehehe! Nagpo-promote kaya bati muna kayo.”

“Nasaan na ang mga bashers? Kesyo tinanggal si Shuvee sa movie. Hahahaha!”

“Nakaka-happy that they chose to keep the friendship and be mature in handling issues thrown at them.”


“Shuvee, Vice is only a guide. But you should have your own decision based on your guts, beliefs, and understanding. No one should dictate where you should go. Just pray to Him and He will lead.”


“Oh ‘yan, malinaw na, galing na mismo sa kanila sa kabila ng iba’t ibang ingay at issue. Basta silang dalawa, may connection na hindi na kailangang ipakita pa sa lahat.”


“Kaya don’t listen to all the fake news na nakikita at nababasa n’yo.”


Naglabasan kasi noong nakaraan ang ilang lumang social media posts at isang vlog o video clip ni Shuvee. Sa naturang clip, tinanong siya kung gusto ba niyang ‘dyowa o tropa’ si Vice Ganda, at ang naging reaksiyon niya ay isang “Eww” o parang nandiri.

Para sa ibang netizens, bastos o dismissive ang reaksiyon ni Shuvee Etrata laban sa Unkabogable Star.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page