top of page
Search
  • BULGAR

Anak ni Mega, na-trauma na sa Pinoy BF… PIOLO, SINISISI NA PINAKAWALAN PA SI KC

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 13, 2024



Ito na naman ang ilang tribu ng mga Mosang na very curious kung bakit daw kasi pinakawalan pa ni Piolo Pascual si KC Concepcion nu'ng magsyota pa sila. Tipong sinisisi pa nila si Papa P, ha?!


Eh, kasi nga, bali-balitang break na naman daw si KC sa kanyang Swiss boyfriend na si Steve Michael Wuethrich (na ewan kung rich nga... Charrr!), kaya worried ang mga fans ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na baka mahirapan na talaga si KC na makahanap ng forever niya.


Mukhang na-trauma pa naman daw si KC sa mga Pinoy, kaya after Papa P, puro foreigner na ang nali-link sa aktres at nababalitang boyfriend niya.


Just asking, hindi kaya si Papa P. talaga ang hinihintay ni KC na muling magbalik sa kanya kaya hindi pa siya nagpapakasal?


Kung tama ang chika ng aming Marites source, si Piolo raw kasi ang TOTGA o "the one that got away" ni KC.


Sayang talaga, kung sila siguro ang nagkatuluyan, baka ang gaganda o ang guguwapo rin ng mga anak nila dahil in fairness, kasingguwapo rin ng padir ni KC na si Gabby Concepcion itong si Piolo, 'no!


Pero sabi nga sa kanta ng Imahe, "Pinagtagpo, pero 'di itinadhana…."


What do you think, mga Marites at mga tribu ng mga Mosang?


Think and think BIG, ha! Boom, ganern!



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page