top of page

Anak ni Erap, napagkamalang kandidato… JAKE, SINABIHANG POGI LANG, WALANG ALAM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 10, 2025



Photo: Jake Ejercito - IG


Marami ang nag-akala na nangangampanya si Jake Ejercito dahil sa kanyang mga larawan na nakasakay sa isang mini-truck at kumakaway. Kaya naman hindi napigilan ng mga netizens na tanungin kung tumatakbo nga ba si Jake sa darating na halalan.

Paglilinaw ni Jake sa kanyang mga followers, “Tatakbo po ako — pero sa marathon, hindi sa pulitika.”


‘Di naman maganda ang isang komento ng netizen na nagsabi ng “Ayaw namin ng pogi lang, dapat may alam at plataporma.”


Correction, please? Si Jake po ay may magandang pinag-aralan at ‘di pogi lang.

At ‘yung picture pala na lumabas ay hindi nangangampanya ang aktor, kundi bumisita siya sa Jolo, Sulu para sa isang motorcade.



SAMANTALA, may hatid na magandang balita ang working senator at nakagawa ng maraming batas na nakakatulong sa ating mga kababayan na si re-electionist Senator Bong Revilla, Jr..


“Good news po, good news. Nais ko lang pong ibalita, kagagaling ko lang dito sa Central sa Iglesia ni Cristo at ako po ay ipinatawag ni Ka Eduardo Manalo at nakaharap ko ang kanyang anak na si Ka Angelo at ako po ay sinusuportahan ng Iglesia ni Cristo.


“Kaya ang aking taos-pusong pasasalamat sa endorso po ng Iglesia ni Cristo at ng kapatiran at talaga pong nag-uumapaw ako sa kaligayahan at napakalaki po ng tulong na ito.


“Sa inyo pong lahat, maraming salamat at sa lahat ng patuloy na sumusuporta at ipinaglalaban ako para sa darating na halalan, ilang araw na lang po.


“Kaya with the INC support, thank you very much sa lahat ng kaibigan natin, maraming-maraming salamat at marami po ang suporta at endorso na nanggagaling sa ating mga kaibigan, kaya inaabangan pa rin po natin. At ‘yung mga governors, mga mayors at mga barangay captain, marami pong salamat.”



GUSTO ng mga manonood ang kakaibang flavor na handog ni Andrea sa bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ), kung saan naka-15 milyong views na nga agad sa social media ang mga eksena niya na kasama ang Primetime King na si Coco.


Milyun-milyong views na nga ang nalikom ng iba’t ibang mga eksena nina Andrea at Coco sa TikTok (TT) page ng ABS-CBN tampok ang makapigil-hiningang pag-kidnap at pag-hostage ni Andrea kay Coco para iligtas ang kapatid niya sa serye.


Dating mister, inalagaan bago namatay…

JACKIE LOU, TODO-PASALAMAT SA BAGONG GF NI RICKY


MARAMING naantig at naiyak sa ginawang pasasalamat ni Jackie Lou Blanco sa girlfriend ni Ricky na si Malca. Naramdaman talaga ng mga nakapanood na may kabutihang angkin si Jacky Lou. 


Ito ang mga sinabi niya sa burol ni Ricky para kay Malca, “I want to thank Malca, Ricky’s girlfriend for taking such good care of Ricky.”


“I want to thank you so much, thank you from my family to yours, thank you so much for loving Ricky as you did.

“Thank you.”


Nakakabilib ang ganitong pagmamahalan na walang selosan na nangyari.


Imbes mag-party nu'ng birthday…

DANIEL, GUSTONG TAUN-TAON NA MAG-TREE PLANTING


SA social media page ng Star Magic, makikita ang mga litrato ni Daniel Padilla kasama ang kanyang mga supporters na nagtanim ng mga puno sa Calatagan, Batangas.


Mas naging meaningful ang pagdiriwang ng 30th birthday ng isa sa mga bida ng Incognito


Hindi party, hindi bonggang kainan, hindi bakasyon ang pinili ni Daniel. Mas pinili niyang makiisa sa isinagawang tree planting last April 26.

In fairness, walang kaarte-arte at dedma lang si Daniel sa matinding init ng panahon habang nagtatanim at kitang-kita naman na masaya siya sa kanyang ginagawang adbokasiya.


Bukod sa pagtulong ni DJ sa kalikasan ay hindi rin nakalimutan nitong magpasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya sa isinagawang tree planting. At sa isang video na ibinahagi ay ito ang kanyang mga sinabi, “Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng oras ngayong araw na ‘to… Natupad nila ang ating misyon na mag-give back sa ating Inang Kalikasan. Sana, hindi lang ito first time na gagawin, tuluy-tuloy na nating gawin ito.”


Marami naman ang natuwa at pinuri ng mga netizens ang Incognito star sa makabuluhang pagdiriwang ng kanyang 30th birthday.


Ano kaya ang masasabi ni Kathryn Bernardo sa ginawang birthday celebration ng ex-boyfriend niya? 

Pakihulaan, Madam-Damin at Madam Marites.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page