Anak ni Da King, kaya lumipat sa Dos… LOVI, 'DI NA PINAPIRMA ULI NG KONTRATA NG SIYETE
- BULGAR
- Sep 15, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 15, 2021

Not just one but two ang sabay na iwe-welcome na Kapamilya stars sa Huwebes, September 16. Isang female celebrity at isang nagbabalik na Kapamilya actor ang dalawang hinuhulaang ipapakilala ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN Entertainment bukas.
Nauna nang kumalat sa socmed ang announcement from Dreamscape Entertainment tungkol sa female star via a teaser days ago. Kung pagbabasehan ang description sa teaser na ipinost ng Dreamscape's publicist na si Eric John Salut, 'fit to a T' ang mga ito kay Lovi Poe.
"This September timeless beauty, rare talent, showbiz royalty, a precious jewel finds a new home," nakalagay sa teaser.
Prior to this, nabalitang hindi na ini-renew ang kontrata ni Lovi Poe sa dati niyang network, ang GMA-7. And needless to say, showbiz royalty si Lovi dahil ang kanyang ama ay walang iba kundi ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr..
Kahapon, isang nakakaintrigang teaser muli ang hinuhulaan ng mga netizens na nagbabalik-Kapamilya Network.
Sabi sa teaser, "Home is where his heart is."
Reaction ng mga netizens, maaaring si Piolo Pascual daw ang male celebrity na tinutukoy or si John Lloyd Cruz.
"Sana si Papa P na 'yan. Forever kapamilya."
"Papa P and JLC."
"John Lloyd Cruz."
"John Lloyd? Kasi HOME Sweetie Home."
Hmmmm, mukhang agree kami sa last comment.
Hindi nga ba't usap-usapan din kamakailan ang 'di pagkakatuloy ng sitcom na gagawin dapat ni John Lloyd sa GMA-7 kung saan ang producer sana ay ang TV host na si Willie Revillame?
Nabalita rin na may gagawin din na show si John Lloyd sa GMA-7 but later on, it was confirmed na hindi na rin tuloy.
As for Piolo, we have yet to hear a news na may gagawin siyang new project for television. Let's wait and see.
If ever, sina Lovi at John Lloyd ang dalawang celebrities na tinutukoy sa magkahiwalay na teasers. Hindi kaya magkasama rin sila sa isang bagong proyekto ng Dreamscape?





Comments