ANAK NI BARON KAY NADIA, PURING-PURI SI BOY BILANG TUMAYONG AMA
- BULGAR
- Sep 4, 2024
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 4, 2024

Isang nakakaantig na mensahe ang ipinost ni Sophia Angela Asistio para sa pumanaw na mayor ng Caloocan na si Boy Asistio sa Facebook (FB) kahapon.
Sa bungad ng mensahe ni Sophia, may binanggit na “Dad” ang anak ni Nadia Montenegro sa aktor na si Baron Geisler. Hinala ng mga netizens, si Baron ang tinutukoy ni Sophia na “Dad” sa kanyang FB post, habang ang dating mayor at yumaong live-in partner ng kanyang ina ang tinutukoy ni Sophia na si “Papa Boy.”
Dalawang larawan ang ipinost ni Sophia sa FB, ang una ay isang larawan niya kasama ang dating Mayor Asistio nu’ng bata pa siya, at ang pangalawa ay isang group picture ng malaking pamilya nila na si Boy ang nasa gitna at nakaupo sa wheelchair.
Caption ni Sophia, “Dad never took me to family functions, but Papa Boy always did. Dad never went with my mom and me to church, but Papa Boy did.
“Papa Boy fetched me from school every day from first grade until fourth grade. He was 75-80 years old but still drove me and my sisters whenever we needed him. Papa Boy never missed a school performance.
“Papa Boy bought me everything I needed. Papa Boy buys me choco pao every time he comes home because he knows how much I love siopao and sweets.
“Papa Boy holds my hand until I fall asleep. Papa Boy says good night and ‘I love you’ every night. Papa Boy raised me. We may not be the closest, but you made an effort and a big contribution to who I am today. I love you, and I miss you so much (sad emoji).”
Nag-comment sa FB post ni Sophia si Nadia, mga tita, lola, at pati na ang ex-partner din ng kanyang Papa Boy at nakatatandang kapatid ni Jaclyn Jose na si Veronica Jones.
Mensahe ni Nadia sa anak, “Daddy loved you more than you’ll ever know (heart emoji).”
Comment naman ng Lola Linda ni Sophia, “He was there for all of us. I miss my best friend sooo much too, Sophie (heart emoji).”
Komento ng dating artista na si Tania Montenegro, “Awww… Sophia! (cry and heart emoji). Papa Boy didn’t make me cry but you did with this post! (cry emoji) we love you so much, our masungit baby girl! (heart emoji).”
Well, ano kaya ang masasabi ni Baron Geisler sa mensahe ng kanyang anak? Simula na ba ito ng paglalabas ni Sophia Angela Asistio ng sariling dikta ng puso’t isipan niya sa kanyang biological father?
After all, she’s 18 years old and free to speak her mind.
Waiting pa rin ang mga Marites sa pag-amin ni Coco Martin ukol sa isyung ikinasal na sila ni Julia Montes at pagkakaroon nila ng hindi lang isa kundi tatlong anak na.
Pero mukhang walang kaplanu-plano ang kani-kanyang kampo nina Coco at Julia na magsalita sa mga isyung ikinakabit sa kanila.
As it is, okey naman pareho ang dalawa mapa-personal at maging sa kanilang respective careers. Kaya bakit pa nila kailangang ‘i-shake ang boat,’ 'ika nga ng iba?
Hindi rin naman sumikat sina Coco at Julia bilang magka-love team.
Dedma naman ang mga fans sa status ng love life ni Coco, lalo pa’t patuloy na tinatangkilik ng publiko ang kanyang mga programa sa ABS-CBN mula sa Ang Probinsyano (AP) hanggang ngayon sa Batang Quiapo (BQ) kung saan bagong Coco na nga ang kanilang mapapanood bilang si Tanggol.
Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi at 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Comments