top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Anak na 4 at 5, ibinubugaw online, tatay at nanay kulong

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 17, 2024




Nakulong ang mag-asawa matapos na gamitin ang kanilang 2 anak na menor-de-edad sa mga kalaswaan online sa Lanao del Norte.


Minanmanan ng mahigit isang linggo ng National Bureau of Investigation - Anti-Human Trafficking Division ang tahanan ng mag-asawa bago tuluyang sinalakay para arestuhin ng mga operatiba.


Ayon sa mga ulat, sinubukan pa umanong itapon ng babae ang kanyang gamit na cellphone ngunit agad na nakuha ng mga pulisya.


Isang taon na nagbebenta ang mga suspek ng malalaswang larawan at video ng kanilang mga anak sa mga kliyente nila sa ibang bansa.


Kinumpirma ni Atty. Cath Nolasco, Chief ng NBI - Anti- Human Trafficking Division na isang Briton sa UK ang nahuli at doon nalamang galing sa Lanao del Norte ang mga gamit niyang materyal.


Saad ni Nolasco, "Actually in-offer pa nga nila na kung nandito 'yung kausap nila online, mag-actual sex sila ng mga anak niya."


Kasalukuyang nasa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 2 batang may edad apat at lima.


Haharap naman sa mga kasong qualified human trafficking online, sexual abuse and exploitation at paglabag sa anti-child abuse law ang mga magulang ng mga bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page