top of page

Anak, maging artista lang… MADIR NI FYANG, 2 ARAW NATULOG SA KARTON SA LABAS NG MALL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 22, 2026



TALKIES - MADIR NI FYANG, 2 ARAW NATULOG SA KARTON SA LABAS NG MALL-IG _dumaguetenos

Photo: IG _dumaguetenos



Ibinahagi ng Pinoy Big Brother Big Winner na si Fyang Smith sa YouTube (YT) channel ng broadcast journalist na si Karen Davila na dalawang araw siyang pumila para sa audition ng PBB.


Tanong ni Karen, “Did you really want to join PBB?”


Kuwento ni Fyang, “No. No po talaga kasi marami po kaming nag-audition, mag-friends. Sabi namin, ‘Wala tayong mapuntahan.’ Tapos, ‘yung isang friend ko, nakita sa algorithm n’ya ang audition ng PBB.


“So, sabi namin, ‘Tara, audition tayo. Trip lang.’ Tapos, pumunta po kami sa SM Valenzuela ng 9 PM, April 27. Nakauwi po ako ng bahay, April 29.


“Two days po talaga ako pumila nu’n. At ‘yung kasama ko po ay ‘yung mommy ko nu’n, minor pa po kasi ako that time na nag-audition at bawal po may plus one sa loob.

“So, that time na 2 days po akong nasa loob ng mall, 2 days po nasa labas ng mall si Mommy, nakalatag lang po s’ya ng karton, doon po s’ya natutulog.


“Pero sinabihan ko po s’ya na, ‘Ma, uwi ka na. Ako na, kaya ko na ‘to.’ Kasi very independent naman po ako. ‘Okay na ako na sinamahan mo ako. Happy ako.’


“At nagtiyaga po talaga si Mommy na samahan ako sa audition for 2 days straight. Wala po akong ligo, walang toothbrush. Lahat, ang baho ko na po nu’n.”


Dagdag na tanong ni Karen, “Ginawa mo ba ‘yun dahil kailangan mong suportahan ang nanay mo?”


Saad ni Fyang, “Sinabi ko kay Mommy na nu’ng time na sobrang tagal namin nag-aantay, ‘Uwi na tayo, Ma.’ Tagal, eh.


“Ang haba ng pila. Parang 16,000 po ‘yung pumila that time na nag-audition at pang-634 po ata ako noon.


“At sabi ko kay Mama, ‘Uwi na tayo. Pagod na ako. Wala pa akong ligo, wala pa akong toothbrush.’ Tapos, naawa na rin po kasi ako kay Mama nu’n, na natutulog s’ya sa karton sa labas.


“So, sabi n’ya, ‘Hindi, okay lang ‘yan. Malapit ka na, eh.’ S’ya po talaga ang nag-push sa akin na ituloy ko na, nand’yan na ako. Sayang naman ang pagod namin kung ‘di ko pa itutuloy.”


Hirit na tanong ni Karen, “Ano’ng pangarap ni Fyang?”


Saad ni Fyang, “Simple lang po, mabigyan ng pangarap na bahay ang mommy ko. ‘Yun lang.

“Siguro, ‘pag nagawa ko na ‘yun, another pangarap naman. Pero ‘yun po ang goal ko, na mabigyan ng dream house. Kung ano ‘yung dream house ng Mommy ko, maibigay ko sa kanya.”


Well, kaya naman pala pinalad na manalo si Fyang Smith sa PBB dahil sa pagiging mabuting anak nito. 

Good job!





12-anyos pa lang daw siya noon, Neri… 

CHITO, INALALA ANG NAKARAAN NILA NI CARMINA



NAGPAHAYAG ng paghanga ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa aktres na si Carmina Villarroel sa kanyang Facebook (FB) post.

Nagbahagi si Chito ng larawan kasama si Carmina at may caption na, “Super-ganda mula noon hanggang ngayon, super-bait pa.


“Nakilala ko si Carmina nu’ng Grade 6 pa lang kami, magka-batch kasi kami—ako sa Ateneo, s’ya naman sa Holy Spirit.


“Commercial model na s’ya noon, at super-heartthrob talaga s’ya. Ako naman, wala lang, isang payat at madungis na 12-year-old na napadpad lang sa Holy Spirit isang hapon after school kasi isinama ako ng classmate ko.


“Anyway, naalala ko lang na super-bait n’ya sa akin kahit sabit lang ako. Medyo boyish at mataray, pero super-bait.



“‘Yun, friends pa rin kami hanggang ngayon.”


Well, mabait ka rin naman kasi, Chito, kaya walang dahilan para tarayan ka ng loving wife ni Zoren Legaspi.


‘Di ba, Neri Naig Miranda at sa aking University of the East (U.E.) dabarkads na si Nora Yanga Miranda?





25 yrs. na niyang kanta, sikat pa rin…

ICE, AMINADONG DAHIL SA PAGDATING NG PANAHON KAYA NAGING SIKAT NA SINGER



“I never thought this one song would bring me to where I am now,” ang pagbabalik-tanaw ng singer-songwriter na si Ice Seguerra sa kanyang social media post.


Sey ni Ice, “I remember listening to this song the first time na lumabas s’ya sa radyo 25 years ago. Gumagawa ako ng homework, and when I heard the intro, dali-dali akong bumaba para tawagin sina Mama and Daddy para sabay-sabay namin mapakinggan.


“I never thought this one song would bring me to where I am now. Na after 25 years, ang pagmamahal ng mga tao sa awiting ito ay dadalhin ako sa iba’t ibang entablado sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


“I want to thank our lyricist, Tita Edith Gallardo, and our composer, Moy Ortiz, for this beautiful song. Our producer, Tita Margot Gallardo, for being so patient with me during recording. Vicor Music, and Tita MG Mozo, for the trust you gave me kahit hindi ako sigurado sa sarili ko bilang singer, at sa lahat ng nagtrabaho para masiguradong makarating ang awiting ito sa maraming tao.


“And more importantly, thank you to the fans who made this song their own. Thank you for making this song a part of your lives as much as it is mine.”


Wow, 25 years na pala ang pinasikat na awitin ni Ice na Pagdating Ng Panahon, at in fairness, hanggang ngayon ay swak na swak pa rin ito sa panlasa ng mga Pinoy.

‘Yun lang, and I thank you!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page