top of page

Anak, inggit daw sa kanya dahil binigyan ng van ni Gretchen… MOMMY INDAY, UMAMING ‘DI IMBITADO SA MGA PARTIES SA PAMILYA NI MARJORIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12h
  • 4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 25, 2025



SHEET - MOMMY INDAY, UMAMING ‘DI IMBITADO SA MGA PARTIES SA PAMILYA NI MARJORIE_IG _marjbarretto & YT Ogie Diaz Inspires (Mommy Inday)

Photo: IG _marjbarretto & YT Ogie Diaz Inspires (Mommy Inday)



“I don’t want my children to be together, just that they do not be against each other kasi dugo is dugo,” ito ang mariing sabi ni Mrs. Inday Barretto sa ikalawang bahagi ng panayam niya sa Ogie Diaz Inspires sa YouTube (YT).


Siya ang 89-year-old mom ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto na kilala sa showbiz. Sa vlog, tinanong ni Ogie kung ano ang pakiramdam niya na hindi nagkakasundo ang kanyang mga anak.


“‘Yun ang mahirap i-explain, kasi usually ang away, may issue, eh, (tulad), ikaw ninakawan mo ako, binugbog mo ako, kinaliwa mo ako, inagawan mo ako, they have nothing like that. I don’t know if you call that strong, but I think strength has to be used in a proper way.


“Alam mo, tanungin mo bakit galit si Marjorie kay Gretchen, bakit galit si Gretchen, bakit sila may away? Give me one issue, wala! Wala ni isang isyu. Some people say maybe it’s rivalry, some inggit, some strong, some are not.


“Marjorie is very strong-willed sometimes lampas sa normal because even I as a mother get it,” paglalarawan ni Mommy Inday sa dalawang anak na babae.

At saka inaming hindi rin sila magkasundo ni Marjorie.


“I love her, she knows that. She better know it, otherwise what a loss. Tingin ko sa kanya, parang pareho kami, made from the same pattern. Strong din s’ya. Parang I feel rejection from her. I feel like as a mother, I’m not talking about the magkakapatid, I’m speaking for myself. I just feel like she loves me but parang hindi ako enough sa kanya, na I’m not enough, parang may hinahanap s’ya sa akin na hindi ko alam kung ano, kasi kung alam ko, ibibigay ko.


“Not much life because marami pa akong tao na… I have to live for other people,” pagtatapat ng Barretto matriarch.


Nabanggit pang sala sa init at sala sa lamig ang relasyon ng mag-inang Inday at Marjorie na minsan daw ay okay at minsan ay hindi na.


“Alam mo, may mga parties ‘yan (but), she does not invite me to her party,” pag-alala pa ni Mommy Inday.


Sa tanong ni Ogie kung nagtatampo ang ina ng Barretto sisters, “Hindi ako nagtatampo, I’m indignant, I’m galit. Because why? Ano’ng klase akong nanay? Ikahihiya mo? Na I don’t comb my hair, I don’t talk well, pipi ba ako?”


Akala raw siguro ni Marjorie, ang mga kaibigan o common friends ng kanilang pamilya ay monopolized ng ina dahil nga kapag nagkikita-kita sa events ng pamilya ay laging ang nanay nila ang mas gustong kausap ng mga ito.


“Baka feeling n’ya (Marjorie), inaagawan ko (siya). This person says, ‘No, we’re okay, I love talking with your mom.’ I don’t know why she’s like that to me,” paliwanag ni Mommy Inday.

Sa kabilang banda, ang anak niyang si Gretchen ay tahimik na tao raw.  


“Kung ayaw n’ya sa tao, ayaw n’ya. If you’re toxic and you’re not going to add anything to my days, ‘wag na. Ayaw n’ya rin ng sigawan at maingay, so respect her. It so happens she became super rich, so what is it now?” wika niya.


At sa malaking tanong kung bakit hindi nagbibigay ng tulong si Greta, ang sagot ng nanay ng aktres ay, “Bakit siya magbibigay? Everyone has their prerogative.”

Dati raw ay close sina Marj at Greta, kaya hindi niya maintindihan kung bakit nauwi sa hindi pagkakaunawaan ang dalawa. 


“Somewhere along the way, parang break na, nahulog lang, nawala na, tapos na. Pero tanungin mo, may pinag-awayan ba? Wala. They just don’t like each other. (‘Pag tinanong naman ay okay lang daw sila), but they hate each other, that’s not okay, ‘di ba?” ani Mommy Inday.


Paglalarawan naman niya kay Claudine, “All-out s’ya sa buong pamilya. Dinala n’ya silang lahat sa Hong Kong Disneyland, pati mga angels sa bahay, at mega-shopping sila. Ganu’n s’ya kasi bunso ‘yun, eh. She got her heart from me na hindi rin dapat kasi it doesn’t pay to be mabait.”


Pahayag pa niya, “Ang feeling ko lang, one time I joked, ‘Ano’ng pinag-aawayan ng mga anak ko?’ Feeling ko, sabi ko, ‘Ako.’ Kasi galit ka kay Gretchen kasi she bought me a van? Bakit galit ka sa akin (Marjorie)? ‘Di ba, inggit ‘yun?” natatawang sabi ni Mommy Inday.


Nagbigay pa siya ng halimbawa na dahil close ang owner ng Illo’s kay Claudine ay pinadadalhan siya ng maraming pagkain na isine-share naman ng aktres sa lahat. At hindi raw kakain si Marjorie kapag galing sa store na ‘yun dahil associated sa kapatid.

Isa pang ibinuking ni Mommy Inday ay nu’ng ikasal si Claudia (anak ni Marjorie) kay Basti Lorenzo, hindi raw sumabay sa kanya ang mga apo. 


“Nagsisiksikan sila sa dalawang kotse. I have a van, aircon, may driver, brand new, ako lang mag-isa. Ayaw nilang magsakay sa akin? Ano’ng tawag mo d’yan? Kasi ibinigay ni Gretchen sa akin,” pagtataka niya.


Nagbiro pa si Mommy Inday na ang tsismis na ito ay gustung-gusto ng lahat. 

Isa rin sa mga ikinatataka niya, “Bakit galit sila kapag nandu’n ako kay Gretchen, kay Claudine o kay Marjorie? Gusto ng isa, red, gusto ng isa, pink, nag-away-away na.”

Pero kapag kinanti naman daw ang isa sa mga Barretto, nagkakampihan ang mga ito laban sa kaaway. 


“This family knows how to love and really love deeply. One for all, all for one,” giit ni Mommy Inday.


Nilinaw din niya na wala siyang paboritong anak. 


Sey niya, “Wala, I never treated anyone differently from anyone. But then people say, ‘Envy ‘yan, rivalry ‘yan,’ I think so, too.”


Dagdag pa niya, “You have to take what life gives you. Kung hindi mo kaya, do something about it, pero it’s beyond repair. Kung sira na ‘yung upuan, itapon mo na. Bumili ka na lang ng bago.”


Sa huli, ipinagdiinan ni Mommy Inday Barretto na lahat ng apo niya ay mahal na mahal niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page