Anak, gustong magturo na lang sa Ateneo… VIC, WISH NA MAGTULUY-TULOY PA RIN SA PULITIKA SI MAYOR VICO
- BULGAR

- May 5
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 5, 2026

Photo: File
Nagsalita na si Bossing Vic Sotto hinggil sa nababalitang desisyon ng anak na si Pasig Mayor Vico na hindi na tatakbo sa 2028 elections.
Ibinahagi ng Eat…Bulaga! (EB) host ang kanyang saloobin tungkol sa plano ng anak na lumayo sa pulitika pagkatapos ng kanyang kasalukuyang termino.
Balak ni Mayor Vico na bumalik sa akademya at ipagpatuloy ang pagtuturo sa Ateneo de Manila University (ADMU). Ipinahayag ni Vic ang pagmamalaki sa mga nagawa ng anak at sa kanyang dedikasyon sa mabuting pamamahala sa Pasig. At ayon din sa kanya, matagal nang may hilig sa edukasyon ang kanyang anak at nakapagturo na rin ito noon.
Sa kabila ng planong pagtigil ni Vico, naniniwala si Vic na ang serbisyo publiko ay nasa dugo pa rin ng anak.
Kamakailan ay nakausap ni Bossing Vic si Ogie Diaz kung saan ibinahagi niya ang tungkol sa kinabukasan ng kanyang anak. Binanggit ni Vic na malaki ang naging epekto ni Vico sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang uri ng mabuting pamamahala na dating inakala ng marami na imposible sa Pilipinas.
Pinuri si Vico dahil sa kanyang transparency at kahusayan sa pamamahala.
“‘Yung sinabi niyang magpapahinga muna s’ya at wala s’yang balak, I’m sure, nararamdaman n’ya na ‘di lang basta trabaho ‘to. It’s a duty, meron s’yang nasimulan, ‘yung magandang halimbawa na ipinakita n’ya. Ako, sa akin, hopefully, eh, magtuluy-tuloy s’ya,” sey ni Vic.
Bagama’t maraming tagasuporta ang malulungkot sa pag-alis ni Mayor Vico sa puwesto, naniniwala si Vic na ang pahinga ang maaaring kailangan ng anak upang muling makapag-ipon ng lakas sa paglilingkod sa bayan.
Binigyang-diin din niya na ang mga kabataan, Gen Zs at millennial na humahanga kay Vico Sotto ay patuloy na mai-inspire ng halimbawang ipinakita nito sa gobyerno.
‘Di raw siya kilala ng anak nina Janice at John…
RESBAK NI ROSMAR KAY INAH: MAY 30 M FOLLOWERS AKO
Trending ang isyu sa pagitan nina Inah de Belen at Rosmar Tan sa socmed (social media). Si Inah ay anak nina Janice de Belen at John Estrada, habang si Rosmar ay isang entrepreneur-influencer.
Nag-post si Inah sa kanyang social media ng larawan nila ni Jake Vargas na tila kasama sila sa isang sagala. Nagpasalamat pa siya sa nag-imbita sa kanila.
Nagkomento ang isang netizen na napagkamalan niyang si Rosmar si Jake Vargas.
Sumagot si Inah ng “Guys, sino ba si Rosmar, ‘di ko s’ya kilala,” at sinundan pa ito ng “Na-research ko na s’ya. Please, don’t associate me with her, ew.”
Agad itong naging usap-usapan sa social media.
Gumanti si Rosmar at binanggit na mas marami na siyang exposure sa telebisyon kumpara kay Inah. Ipinunto niya ang kanyang 30 million followers bilang patunay ng kanyang kasikatan at sinabing hindi siya dapat maliitin.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Rosmar, “Kung maka-‘ew’ ka naman sa akin at ‘di mo raw ako kilala. Nahiya naman ako sa ‘yo, Filipina actress nakalagay, pero ‘di rin naman kita kilala. Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa TV kaysa sa ‘yo.”
Dagdag pa niya, “Napa-search tuloy ako, ‘di ko rin s’ya kilala.”
Samantala, hati ang opinyon ng mga netizens sa kanilang sagutan, may kumampi kay Inah de Belen at may pumabor kay Rosmar Tan.
Sey naman ng ilang netizens at Gen Zs, ang word na ‘ew’ ay ‘either way’. Hindi raw pandidiri ang ibig sabihin ng aktres.
Proud na proud na GF ng ex ni Kathryn…
KAILA, BINANATAN SA PAGIGING LANTARAN SA RELASYON KAY DANIEL
BINABATIKOS si Kaila Estrada ng ilang tagahanga ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) matapos ang ilang social media posts nito kasama ang aktor.
Nagbahagi si Kaila ng mga larawan at videos na nagpapakita ng kanyang matamis na sandali kasama si Daniel, kabilang ang selebrasyon ng kaarawan ng aktor.
Sa isang video, makikitang hinalikan siya ni Daniel at sinabihang “Mahal kita”.
Well, may ilan namang mga netizens ang nagbahagi ng screenshots ng mga reaksiyon online, kung saan kinondena ang pambabatikos kay Kaila Estrada.
Kabilang sa mga isyung ibinabato sa aktres ang paghahambing sa kanya sa ibang aktres, usapin ng ‘nepotism’ dahil anak siya nina Janice de Belen at John Estrada, at mga komento sa kanyang pisikal na anyo.
May ilan ding nagsasabing nadadamay lamang ang kanyang pangalan sa fandom wars kahit wala naman siyang direktang kinalaman.
Pero hindi naman lahat ng mga fans ay ganito, at kadalasan ay iilan lang ang maingay. Wala ring official statement o matibay na ebidensiya na orchestrated ang pambabatikos mula sa KathNiel fandom.





Comments