Anak, binastos daw ng CebuPac at Immigration… "'DI KO PALALAMPASIN 'TO!" — JANNO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 28, 2022

Umuusok ang tenga ni Janno Gibbs sa Cebu Pacific at sa Bureau of Immigration dahil sa pambabastos umano sa kanyang anak.
Post niya sa kanyang socmed account, “Binastos n'yo (ang) anak ko,” kung saan itinag niya ang CPAI at ang BI.
May warning pa raw ang actor-singer sa airlines at sa government agency, “Hindi ko palalampasin ito."
Hindi naman nagbigay ng kabuuang detalye si Janno sa nangyari hinggil sa kanyang anak at sa kumpanya.
Ani ng singer sa kanyang social media account.
“Calling out @cebupacificair and @immigph”
“Binastos n'yo anak ko. Hindi ko palalampasin ito.”
Palaisipan sa mga netizens kung ano ang 'pambabastos' na ginawa ng Cebu Pacific at ng BI sa anak ni Janno.





Comments