top of page

Anak, babu sa showbiz… JERIC, NAGSALITA NA SA PAGLI-LIVE-IN NINA AJ AT ALJUR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2024
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 30, 2024



Showbiz News

Natutuwa ang action star na si Jeric Raval na kahit 63 yrs. old na siya ngayon at lolo na nga sa magpo-14 niyang apo (yes, ganu'n na karami sa dami rin ng mga anak niya), kinuha pa rin siya para magbida sa pelikula na tungkol sa life story ni Nunungan, Lanao del Norte Mayor Marcos Mamay titled Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story).


Si Jeric ang gumanap na Mayor Mamay sa movie habang si Ara Mina naman ang gumanap na asawa niya at pareho silang present sa ginanap na red carpet special screening nu'ng Martes sa SM Megamall Cinema 1, kung saan dumating din mismo si Mayor Mamay na siya ring producer ng pelikula.


Bilib si Jeric sa kuwento ng buhay ni Mayor Mamay na mula sa mahirap na pamilya ay sinikap mag-aral para magtagumpay hanggang sa naabot nga nito ang pangarap na matulungan din ang kanyang mga kababayan sa Nunungan.


Bumilib din naman si Mayor Mamay sa acting ni Jeric dahil nagampanan daw nito nang mahusay ang role bilang siya. May cameo role rin sa pelikula ang alkalde.

Anyway, sa panayam ng media kay Jeric, nakumusta rito ang anak na si AJ Raval.


Marami kasi ang nagtataka kung bakit sa kainitan ng career ni AJ bilang isa sa mga mabentang artista sa Vivamax ay bigla nitong iniwan ang showbiz.


Ang chika nga ngayon, mas pinili ni AJ na makipag-live-in na lang sa nakahiwalay na mister ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica kesa ipagpatuloy ang showbiz career.

Diretso naman ang naging sagot ni Jeric sa live-in issue nina AJ at Aljur, “Hindi, si AJ, sa ‘kin nakatira ‘yan.” 


Kasunod nito, ipinaliwanag niya kung bakit iniwan ni AJ ang showbiz. 


“Ayaw na, tinamad. Alam mo naman ‘yung mga artista, kung minsan, mamamahinga nang sampung taon. Parang ako, namahinga ako nang nine years straight,” ayon sa action star na ama ni AJ.


Mas gusto naman daw niyang mag-aral muna si AJ na siyang ginawa ng anak via ALS (Alternative Learning System).


Dagdag ni Jeric, “Kung saan masaya ang anak ko, sinusuportahan ko. Doon sa pinili n’yang career (nag-artista) ‘di ko sinusuportahan, eh, magpa-sexy, hindi ko s’ya sinusuportahan. Mas gusto ko s’yang mag-aral.”


Ang siste lang daw, kahit wala na sa showbiz si AJ, iniintriga at pinag-uusapan pa rin. 


“Well, feeling ko, sikat ‘yung anak ko dahil ayaw na nga mag-artista, pinag-uusapan pa rin,” hirit ni Jeric.


Sabeeeh?! Ok, sige na nga!


Samantala, ang Mamay: A Journey to Greatness ay ipapalabas sa mga schools para mas mapanood ng mga mag-aaral at maging inspirasyon sa kanila. 


Mula ito sa Mamay Productions at idinirek ni Neal ‘Buboy’ Tan.



TUWANG-TUWA rin naman ang dating action star at aktibo pa ring aktor at direktor na rin ngayon na si Mike Magat dahil finally, nabigyan siya ng pagkakataon para maipalabas sa mga sinehan nationwide ang kanyang ipinrodyus at idinirek na pelikula, ang Seven Days.


Love story na drama-suspense ang genre ng movie kung saan si Mike rin ang bida at katambal niya ang international artist-Mrs. World Tourism 2021 at recording artist na si Catherine Yogi.


Umiikot ang story ng Seven Days sa pagkidnap ng karakter ni Mike kay Catherine para pilitin itong umibig sa kanya sa loob ng 7 days, kaso may mga unexpected na nangyari na dapat panoorin sa movie. 


Dahil matagal nang artista si Mike Magat, tinanong namin ito kaugnay ng latest issue ngayon sa showbiz na "sexual abuse, harassment, etc." sa mga baguhang nangangarap pa lang sumikat. 


Matatandaang nabanggit ni Sen. Jinggoy Estrada na matagal nang nangyayari ito sa showbiz kaya natanong namin ang action star na nagbida rin noon sa ilang pelikula kung nakaranas din ba siyang ma-harass o maabuso nu'ng kabataan niya.


Sagot nito sa amin, "Kung meron mang ganyan siguro, takot sila sa 'kin kasi nakakatakot ako dati, ang hitsura ko, bato-bato, hahaha! 


"Wala pa naman ako na-encounter na ganyan at pala-kaibigan lang ako noon at puro tawanan at biruan sa set."


Dagdag pa niya, "Ako kasi, galing sa stuntman at lahat ng hirap sa pag-eensayo, ginawa ko, as in pag-aaralan mo para maging talent ka or extra, du'n ituturo. Para makuha ka sa pelikula, lahat ng klase ng acting at pakikisama, ituturo para kahit saan ka dalhing role, puwede ka. Kaya ang nasa isip ko noon, kukunin ako bilang artista dahil sa talent ko kaya lagi akong nag-eensayo sa mga fight scenes, dialogues. 'Yun naman ang mahalaga sa lahat bilang artista at samahan mo lang ng pakisama sa lahat, ok na 'yun."

Tama naman!


Anyway, ang Seven Days ay produced ng TASK Co. Ltd Entertainment and Channel One Global Entertainment Production at showing na on September 11, 2024 in cinemas nationwide.



PAHABOL, rain or shine, tuloy na tuloy daw ang concert ni Ms. Jo Awayan sa Music Museum sa Aug. 31, 8 PM titled Good To Be Back kung saan special guests niya sina OPM Hitman Rannie Raymundo at Charity Diva Tita Token Lizares.


Magpe-perform din ang The Drawing Band Ethel and Gina.

Ang Good To Be Back na homecoming and belated birthday concert ng Livewire


Performer na si Jo Awayan ay fundraising show for the benefit of the Servants of Mary.

Kitakits, guys!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page