top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Amuyong ni P-Duterte sa DOE at ERC, puro ‘oo’ sa power hike at oil price increase

BULGAR
Sep 21, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 21, 2021


HIRIT NI PACMAN, ‘PAG SIYA NAGING ANG PANGULO, LAGOT ANG TROPANG DUTERTE—Matapos magdeklarang tatakbo sa pagka-pangulo sa halalang 2022 ay nagbabala si Sen. Manny Pacquiao sa mga opisyal ng pamahalaan na nagsamantala at nagnakaw sa kaban ng bayan sa gitna ng pandemya na malapit na magsama-sama ang mga ito sa kulungan.


Kumbaga, parang sinabi ni Pacquiao na kapag nanalo siya ay lagot ang tropang Duterte, boom!


◘◘◘


‘PAG NAGKATAON, MATUTULAD SI P-DUTERTE SA KAPALARAN NINA EX-P-ERAP AT EX-P-GMA NA NAKULONG NANG WALA NA SILA SA PODER—Hindi lang si Pacquiao ay nagsabing kapag siya ang nagwagi ay ipakukulong niya ang mga korup sa Duterte gov’t. kasi may ganitong banta rin si former Sen. Antonio Trillanes, at diretsahang tinukoy niya si P-Duterte na ipakukulong nila ito sa kasong crimes against humanity, plunder at treason kapag pambato ng oposisyon ang nagwagi sa 2022 election.


Dahil sa bantang ‘yan nina Pacquiao at Trillanes, hindi man aminin ay tiyak na kakaba-kaba na si P-Duterte kasi kapag nagkataon ay matutulad siya kina ex-P-Erap at ex-P-Gloria Macapagal-Arroyo na nakulong sa mga kasong plunder, abangan!


◘◘◘


MAY EBIDENSIYANG MAY KORUPSIYON SA TRANSAKSIYON NG PS-DBM AT PHARMALLY—Ang bidding process sa gobyerno, ang sinumang may mababang bid ay siya ang nakakukuha ng kontrata sa pamahalaan, pero sa sistema ng Duterte gov’t., basta may konek sa Malacañang, kahit ubod nang mahal ang presyo ay ‘yun ang nakakukuha ng kontrata.


Tulad sa pag-bid ng Pharmally Inc. na pag-aari ng mga Chinese na wanted sa Taiwan sa kasong fraud at EMS Assembly Company na pag-aari ng mga Pinoy sa pagbili ng facemask, na porke may konek kay Yang Hong Ming, aka Michael Yang ang Pharmally ay ang presyo nitong P27.72 per-piraso ng facemask ng Pharmally ang pinaboran ng taga-Davao City na si former Usec. Christoper Lloyd Lao, kaysa sa P13.50 presyo ng per-piraso ng facemask ng EMS Assembly.

D’yan pa lang ay kita na ang ebidensiyang may korupsiyon, tapos inuunggoy ni P-Duterte ang mga Pilipino na walang naganap na korupsiyon, pwe!


◘◘◘


APPOINTEE NI P-DUTERTE SA DOE AT ERC, “BOW LANG NANG BOW” SA POWER HIKE AT OIL PRICE INCREASE—Nagtaas na naman ng singil sa konsumo ng kuryente ang Meralco ngayong September 2021, buwan-buwan na ang pagtataas na ‘yan na nag-start noong Abril 2021, at hindi lang ‘yan, pati ang presyo ng mga produktong petrolyo.


Grabeng pahirap ito sa mamamayan kasi kaakibat ng pagtaas ng bayarin sa konsumo ng kuryente at presyo ng langis ay pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Naghihikahos na nga ang pamumuhay ng mayoryang Pinoy ngayon panahon ng pandemya, tapos ang mga appointee ni P-Duterte na sina Energy Sec. Alfonso Cusi at ERC (Energy Regulatory Commission) Chairman Agnes Devanadera ay “bow lang nang bow” sa hirit na power hike ng Meralco at oil price increase ng mga kumpanya ng langis, buwisit!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page