top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Amsterdam, Champ sa FIBA 3x3

  • BULGAR
  • Mar 29, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 29, 2021




Ipinasok ni Serbian Maksim Kovacevic ang 2 puntos na may tatlong segundo sa orasan upang ihatid sa Amsterdam Talent & Pro ng Netherlands ang 21-19 panalo sa kanyang mga kababayan na Novi Sad at mauwi ang kampeonato sa 2021 FIBA 3X3 World Tour Doha Masters sa Al Gharafa Sports Club noong Linggo ng madaling araw sa Pilipinas. Ito ang pinakaunang kampeonato ng Amsterdam sa matagal na paglahok sa World Tour.

Si Kovacevic, na naglaro noong 2020 para sa numero unong koponan na Liman ng Serbia, ay nagtapos na may 13 puntos at sinundan ni Most Valuable Player Arvin Slaughter na may apat, Julian Jaring na may tatlo at Aron Roije na may isa para sa gantimpalang $40,000 (P1.94 milyon). Ang numero unong manlalaro sa buong mundo na si Dusan Bulut ay nanguna sa Novi Sad na may pito habang may anim si Tamas Ivosev.

Winalis ng Amsterdam ang Grupo B sa pamamagitan ng tagumpay sa defending champion Riga ng Latvia, 18-17, at Edmonton ng Canada, 16-12, Sumunod na tinalo nila ang NY Harlem ng U.S. sa overtime sa quarterfinals, 19-18, at Liman sa semifinals, 21-18.

Sinimulan ng Novi Sad ang kanilang kampanya sa Grupo C sa panalo sa Lusail ng Qatar, 21-10, ngunit dumapa sa kapwa-Serbian na Ub, 15-20. Pinauwi nila ang Piran ng Slovenia sa quarterfinals, 20-15, at Riga sa semifinals, 21-16.

Samantala, hindi nalabas ni Chico Lanete ng Manila Chooks TM ang kanyang porma sa Tissot Two-Point Shootout matapos maging numero uno sa qualifier noong Biyernes. Kampeon sa kanyang 13 puntos si Darius Tarvydas ng Sakiai Gulbele na nag-uwi ng bagong relos at $500 (P24,255) at sinundan nina Steve Sir ng Edmonton na may 12, Dejan Majstorovic ng Ub na may 11 at Lanete na may pito sa posibleng 21 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page