top of page
Robin Padilla - FB

Aminadong may pagkukulang bilang ama… MARTIN, FEELING PINARUSAHAN NI LORD KAYA NAGKAANAK NG SPECIAL CHILD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 4, 2026



FRANKLY - MARTIN, FEELING PINARUSAHAN NI LORD KAYA NAGKAANAK NG SPECIAL CHILD-FB Martin Nievera

Photo: FB / Martin



Hindi napigilang maging emosyonal ni Martin Nievera nang mapag-usapan ang kanyang bunsong anak na si Santino na noon pa ay in-open-up na niyang isang special child.


Sa latest episode ng vlog ni Gary Valenciano kung saan ang BFF niyang si Martin ang kanyang guest, isa ito sa kanilang mga napag-usapan.


“I have a special son, he’s turning 20 years old, he’ll never, ever be able to go through life on his own, he has to be taught, prepped, protected,” pahayag ng Concert King.


Dagdag pa niya, “He’s a little better than he was many, many years ago but he still has anger issues, he can’t control his emotions sometimes, so I’m trying to learn the gift of interpretation when it comes to autism and being on the spectrum because I’m trying to learn his body language. What does it mean when he’s…”


At this point ay napatigil na sa pagsasalita si Martin at naging emosyonal.

Inamin din ng OPM icon na inakala niya noon na pinaparusahan siya ng Diyos sa pagkakaroon ng special child.


“I used to think that this is God’s way of punishing me. But now, I think, this is His blessing for me to know that this is what it’s like on planet Earth. You need to get your head out of the clouds, you have to come back down to earth. This is… you’ve neglected your other two children enough,” aniya.


Feeling ni Martin ay binigyan siya ni Lord ng challenge bilang ama sa pamamagitan ni Santino at sinisikap niya itong magampanan sa abot ng kanyang makakaya.


Every now and then ay pumupunta siya sa United States (US) para bisitahin si Santino kung saan ito naninirahan. Pero alam din niyang hindi ito sapat at aminado siyang nagkukulang siya sa panahon para sa kanyang bunsong anak.





MASAYA ang puso ni Coco Martin sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta ng mga Pilipino sa Coco Martin’s Sigabo, habang mas titindi pa ang aksiyon sa serye sa pagpasok ng mga bagong karakter.


“Napakasarap sa pakiramdam na na-appreciate nila at talagang tinatangkilik nila gabi-gabi. Sagaran talaga kumbaga ‘yung lahat ng malalaking aksyon, maraming mga artistang papasok, dire-diretso na. Kung anong deserve ng mga Pilipino, ‘yun ang ibinigay namin,” pahayag ng Hari ng Aksiyon sa Ating Henerasyon sa TV Patrol (TVP) interview.


Natutuwa naman si Prime Actress Julia Montes na patok din sa mga manonood ang mga nakakatawang banat at good vibes na mga eksena sa serye.


“Isa sa pinaka-happy ako na na-discover ng maraming tao ‘yung talent ni Coco sa comedy. Abangan n’yo pa kung gaano pa ka-fun at kung ano pa ‘yung pasabog ng Coco Martin's Sigabo,” kuwento ng aktres.


Handog naman ng serye ang mas matitinding aksiyon at pasabog sa kuwento sa pagpasok ng mga karakter nina JM De Guzman, Chanda Romero, Efren Reyes Jr., Ron Martin, at iba pang respetadong artista sa pagsabak ni Gabo (Coco) sa kanyang unang misyon bilang secret agent.


Samantala, pagkatapos dumugin ng mga tagasuporta ang nationwide motorcade ng Sigabo, ang cast members naman ngayon ang bumisita sa iba’t ibang tahanan sa Tondo, Divisoria, Baclaran, Cavite, at Cebu para sorpresahin at pasalamatan ang mga Kapamilya sa walang sawang suporta para sa serye.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page