Aminadong masyonda na, hirap maka-recover… JAMES, NA-INJURED, 6 MOS. 'DI NAKAPAGLARO NG BASKETBOL
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 19, 2021

Sumabak na rin ang controversial PBA player na si James Yap sa pagba-vlog para sa kanyang YouTube channel. In-upload ni James ang kauna-unahang vlog sa kanyang YT channel last Thursday, September 16.
Ishinare ng ex-hubby ni Kris Aquino at ama ni James “Bimby” Aquino-Yap sa kanyang first vlog ang mga ganap sa training niya and his teammates sa Rain or Shine Elasto Painters habang naka-bubble ang iba pang PBA teams sa Angeles City, Pampanga.
“Sa mga hindi nakakaalam, bubble kami rito sa Pampanga, Angeles. Hindi kami makakalabas. Ang ginagawa namin, praktis-bahay lang. Ganu'n talaga. Tiis-tiis lang para makapagbigay-saya sa ating mga supporters sa PBA at makapagbigay din ng saya sa ating mga fans,” lahad ni James.
Halatang nangangapa pa si James on how to do his vlog. May insidente na hindi niya nai-record. Nandiyan din ang sumasakit ang balikat niya at pangangalay ng kamay sa paghawak ng camera/cellphone at pagde-deliver ng kanyang spiels.
“Kanina pa pala ako salita nang salita, hindi naka-record. Hahaha! Pinagpawisan ako doon, ha? Masakit sa shoulder ko ‘yung ganito (pagba-vlog). Mahirap palang maging vlogger, ha? Masakit sa shoulder.
“Ganyan talaga 'pag hindi sanay, feeling vlogger (laughs)."
Ayon kay James, six months pala siyang ‘di nakapaglaro due to an injury. And one of his teammates na si Jayvee Mocon asked him kung paano siya nakabalik sa laro.
"Eto, kaya nagwo-workout palagi para makabalik nang 100% ulit sa laro. Six months, oo, hindi ako nakapaglaro. Iba rin talaga kapag na-injured, matanda na, matagal nang maka-recover,” sabay tawa ni James.
Pagpapatuloy niya, “Pero mahirap talaga kapag na-injury. Mahirap nang makabalik. Nawawala sa timing kapag ganoon na katagal. Kahit gusto ng utak, ayaw sumunod ng katawan. Kaya kailangan, papakondisyon ka talaga. Hindi puwedeng babalik nang hindi 100 percent ready, kundi pagtatawanan ako nitong katabi (Mocon) ko. Hahaha! Pero eto ngayon, medyo okey na.”
Natuwa naman ang mga fans ni James that he finally joined the “bandwagon” ng mga celebrities na nagba-vlog.
“I love how raw it is, showcasing what it’s like inside and out of the bubble.”
“Nice to know may YT ka na, James. I’m an avid fan since you are being drafted sa PBA. Looking forward sa ibang mga vlogs mo.”
“This is a dream come true. Finally we can see you often.”
As of this writing, umabot na sa mahigit 16K ang naka-view ng vlog ni James at meron na agad siyang 4.2 K subscribers.
Tiyak na aabangan ng mga fans ni James ang pagba-vlog niya with his partner na si Michaela Cazzola and their two kids. And of course, ‘yung silang dalawa naman ni Bimby.
Pa-bonus na lang kung maiimbita at pumayag na mag-collab sila ni Kris Aquino para sa YouTube channel ni James.





Comments