top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

American Factor, nagwagi sa Imported-Local Challenge

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2020
1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | October 26, 2020



Banderang tapos ang American Factor nang manalo sa 2020 Philracom Imported and Local Challenge Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kahapon.

Walang nakadikit kay American Factor sa mga katunggaling dumating na pangalawa ang Sky Candy, pumangatlo ang liyamadong Tony’s Love at pumang-apat ang spuntastic. Sa simula nang karera agad kinuha ng American Factor ang unahan habang sumusunod ang mga katunggali na Sky Candy at Tony’s Love.

Lumayo nang dalawang kabayo ang Americsn Factor habang nag-uunahan ang na makadikit ang mga kalahok na Sky Candy at Tony’s Love.

Pagsapit sa huling likuan na may 500 meters ang natitira tuluyan ng lumayo ang American Factor at iniwan ang mga kalaban na may tatlong milya ang layo. Naorasan sa bilis na 1:51.2 sa 750 meters na distansiya ang American Factor.

Ang American Factor ay pag-aari ni Paolo Mendoza at nangako na higit na pagbubutihin sa 3rd leg imported-Local Challenge Race.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page