American Dream, makikipagtagisan
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 23, 2022
Plano ni American Dream na sungkitin ang panalo sa 3-Year-Old Maiden Race upang pasayahin nito ang kanyang mga tagahanga.
Subalit tiyak na daraan sa butas ng karayom si American Dream kapag nakipagtagisan na ito ng bilis sa anim na tigasing kabayo sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.
May distansyang 1,400 meter race, makakalaban ni American Dream sina Vavavoom, Freestyle, Burning The Tracks, Kummander, Winning Shot at Platinum Bell.
"Paniguradong bakbakan ang mapapanood dyan, sila Platinum Bell at Freestyle ang tingin kong magiging mahigpit na karibal ni American Dream," saad ni Andrew Villahermosa.
Kukubrahin ng mananalong kabayo ang added prize na P10,000 sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, paniguradong aabangan din ng mga karerista ang labanan ng walo pang stakes race na kabayo sa Condition Race na pakakawalan sa pang-apat na karera.
Ang kalahok ay sina My Jopay, Refuse To Lose, Electrify, Speeding Hero, Electric Truth, Hamlet, Liquid Gold at Weather Lang.
Ayon sa komento ng mga karerista, mahirap mamili sa nasabing lineup dahil halos lahat ay magagaling at malaki ang tsansang manalo. Komento pa ng isang karerista na maliban kay My Jopay ay kursunada rin niyang isama sa winner take all sina Hamlet at Weather Lang.
Siyam na karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Senorita Bonita (2), Fortune Island (1)
Race 2 - American Dream (1), Platinum Bell (7), Freestyle (3)
Race 3 - Shelltex Gold (2), Double Rock (5), Pretty Meadow (11)
Race 4 - My Jopay (4), Weather Lang (8), Hamlet (7)
Race 5 - Fredie Wong (4), Excavator (6), Sagitsit (9)
Race 6 - Money For Shelltex (6), Bisyo Mag Serbisyo/Magnolia Yana (4/4A), Chloespirit (1)
Race 7 - Commodora (7), Work From Home (1), Gentle Giant (2)
Race 8 - Best Regards (2), Shastaloo (4)
Race 9 - Smart Julliane/Awesome Julianne (8/8A), Magnum Force/Aphrodite (2/2A), Step Bell (13)





Comments