top of page
Search
  • BULGAR

Amelia,mahusay sa PHILRACOM Turf

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 22, 2022


Ipinakita ni Amelia ang kanyang husay sa karerahan matapos nitong manalo sa katatapos na PHILRACOM Rating Based Handicapping System kahapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Nagpanalo agad si Amelia kahit galing sa matagal na pahinga, umoras ito ng 1:27.4 minuto sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ang added prize na P20,000 para sa winning connection.


Tumanggap din ng karagdagang premyo na P5,000 ang winning horse owner na si Aurora Jacob. Sinakyan ni jockey Jericho Serrano, inilapit nito si Amelia kay Panday Pira upang hindi ito makalayo sa largahan.


Nasa kalagitnaan ng karera ng kumuha ng unahan si Amelia at hindi na nito nilingon ang mga humahabol sa kanya hanggang pagtawid ng meta.


Papasok ng hometurn ay nasa apat na kabayo na ang lamang ni Amelia at umalagwa pa ito pagsapit ng rektahan kung saan si A Song For Gee na ang nasa pangalawang puwesto.


Nagwagi si Amelia ng may tatlong kabayo ang agwat kay A Song For Gee, tersero si Achi Holly na sinakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.


Pang-apat na tumawid sa meta si My Der Magnolia habang pumang-lima si Kissing bandit sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRAACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nagkaroon ng carry over sa super six na P1,737.06 matapos pumasok sa lineup ang mga dehadong kabayo, pang-anim na dumating sa finish line si A Certain Smile.


May 11 races ang pinakawalan ng Metro Mmanila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya naging masaya ang paglilibang ng mga karerista.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page