top of page
Search
  • BULGAR

Alyansang PH-US, kailangan sa lumalalang gusot sa WPS

Pni Angela Fernando - Trainee @News | November 20, 2023




Nangangailangan ang 'Pinas ng pakikipagtulungan sa US para sa lumalalang tensyon sa West Philippine Sea, ayon kay Presidente Ferdinand "Bongbong' Marcos Jr., ngayong Lunes.


Saad niya, magpapanatili ng kaayusan sa teritoryo ng bansa ang nasabing pakikipagtulungan.


Aniya, ang US ang pinakamatagal na ka-alyansa ng 'Pinas na kasama ng bansa sa iba't ibang sitwasyon, na tumagal nang mahigit 100 taon.


"The heightening tension in the West Philippine Sea, as we have named it—it is generally known as the South China Sea, the increasing tensions in the South China Sea requires that we partner with our allies and our friends around the world, so as to come to some kind of resolution and to maintain the peace," dagdag ng Presidente.


Idiniin din ni Marcos na hindi bibitawan ng 'Pinas ang kahit anong teritoryo nito sa mga dayuhang bansa.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page