Alumni na nagdala sa bangkay sa bakanteng lote.. Suspek sa Salilig-hazing, nag-suicide
- BULGAR

- Mar 4, 2023
- 1 min read
ni BRT | March 4, 2023

Isang person of interest sa hazing-murder case ng Adamson University student na si John Matthew Salilig ang natagpuang walang buhay noong Martes sa Taguig City.
Ayon sa Biñan City, Laguna Police, ang nasabing frat member ay isa nang alumni at sinasabing nagmaneho sa AUV kung saan inilagay ang bangkay ni Salilig bago inilibing sa bakanteng lote.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang nasabing frat member na umano’y nagpakamatay.





Comments