top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Alternatibong sasakyan para sa mga apektado ng tigil-biyahe ng PNR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2023
1 min read

@Editorial | June 4, 2023


Daan-daang pasahero ang maaapektuhan sa limang taong tigil-biyahe ng Philippine National Railways mula Alabang hanggang Calamba, Laguna at pabalik.


Magsisimula na sa susunod na buwan o sa Hulyo 2 ang tigil-operasyon. Ito ay para bigyang daan ang pagtatayo ng North-South Commuter Railway system.


Tinatayang nasa 800 pasahero ang sumasakay dito araw-araw kaya dapat na tiyakin na handa ang kinauukulan sa pagbibigay ng mga alternatibong sasakyan tulad ng bus at jeepney, para sa mga maaapektuhan.


Bagama't matagal-tagal ang limang taon na pag-a-adjust sa biyahe, ilang komyuter naman ang pabor sa gagawing bagong train system para anila'y bumilis at mas maging maginhawa ang pagbiyahe, bagaman may pangambang malaki ang itataas sa presyo ng ticket.


Kaugnay nito, libu-libong pamilyang nakatira sa may riles ng tren ang inaasahang paaalisin ng gobyerno sa pagsisimula ng proyekto. Tiniyak naman na maayos ang kanilang paglilipatan.


Sa Oktubre naman planong isara ang mga istasyon ng tren mula Alabang hanggang Manila.


Target simulan ng gobyerno sa Hunyo 30 ang konstruksyon ng P873 billion North-South Commuter Railway, na tatakbo mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna.


Umaasa tayo na magiging maayos ang lahat hanggang sa matapos ang proyekto na magpapaginhawa rin naman sa lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page