top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Altas, Stags at Blazers, patitibayin ang kartada

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 16, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 16, 2022



Asam ng University Perpetual Help System Dalta Altas, San Sebastian College-Recoletos Golden Stags at De La Salle-College of Saint Benilde Blazers na mapanatili ang undefeated mini-streak at makapuwesto sa liderato, samantalang target ng Arellano Chiefs na makuha ang ikalawang panalo sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City ngayong araw.


Nagpamalas ng pambihirang laro si playmaker Rey Joey “Peter Pan” Barcuma ng Altas na nais ipagpatuloy ang magandang panimula kontra AU Chiefs sa unang laro ng 12 ng tanghali. Mag-aagawan sa 2nd game ang Stags at Blazers para sa 2-0 start sa main game ng 3 p.m.


Nagtala ang 22-anyos na si Barcuma ng career-high 22 puntos kontra Heavy Bombers sa 84-60 noong nagdaang Linggo, kasunod ng 10-of-11 field goal shooting at 2-of-3 sa three-point line, 4 steals upang maipagpatuloy ng Altas ang sinimulang impresibong laro noong 97 kung saan umabot sa Final 4 para pahirapan ang defending champion Letran Knights.


“Actually, hindi lang Arellano, all the nine teams. Sobrang balanced ang season ngayon. Hindi natin alam kung sino ang mananalo. We just have to keep on grinding every day,” pahayag ni Altas coach Myk Saguiguit na aasahan din sina Jielo Razon, Mark Omega at Kim Aurin sa atake.


Nais makabawi ng Chiefs sa pagpapataob sa kanila ng Stags sa 51-60. Tiyak ding babawi ang beteranong si Darrel Menina na nabokya sa laro katulong sina Axel Doromal at Fil-Australian Cade Flores.


Paniguradong mapapalaban ang mga bataan ni CSB coach Charles Tiu sa San Sebastian.


Aminado naman si coach Egay Macaraya na marami pang ilalabas na laro ang kanilang koponan na patuloy na maganda ang ipinapakitang depensa sa laro at umaasahang mapapanatili nila hanggang dulo ang klase ng laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page