top of page
Search
BULGAR

Alok na movie, tinanggihan… DIREK BRILLANTE, SUKO NA KAY VILMA

ni Julie Bonifacio @Winner | July 2, 2024



Showbiz Photo


Nakaka-proud na kabilang kami sa mga unang nakapanood ng bagong masterpiece ng international award-winning director na si Brillante Mendoza, ang Moro na pinagbibidahan nina Laurice Guillen, Baron Geisler, Christopher de Leon at Piolo Pascual.


Ayon kay Brillante, ang Moro ay isa sa mga pelikulang ginawa niya na nahirapan siya.


“It was one of my difficult shoots, kasi  summer ‘yan, eh. Tapos, pre-pandemic ‘yan. Hindi pa s’ya pandemic at ang shooting namin, sa San Mateo. Kasi ang mga artista ru’n, ABS-CBN actors, banned silang magpunta sa Mindanao. 


“Pero actually, sa totoo lang, Mindanao sana kami magsu-shoot. Eh, sina Piolo, sina ano, hindi sila pinayagan. Eh, di ‘wag na tayong magpunta sa Mindanao kung tatatlo lang tayong artistang ano."


Kaya kumuha na lang daw siya ng footage sa Mindanao at nag-setup sa San Mateo ng parang totoong palengke sa Mindanao.


Humanga naman si Direk Brillante sa propesyonalismo ni Piolo.


Sey ni Direk, “Eh, si Piolo, napakabait na artista. Hindi talaga s’ya dumarating nang late.



Ayaw n’yang maging cause ng problem. Ganu’n din naman si Baron. 


“So, parang siyempre, they want to show professionalism on the set. As much as possible, ayaw nilang may masabi sa kanila. 


“Even si Boyet (de Leon) na pinakiusapan ko. Sabi ko, another day. Nu’ng una, one day lang. Eh, mag-i-start na ang kanyang mga ano nu’n, teleserye. Nu’ng una, parang hindi na s’ya available. ‘Yun ang sinasabi n’ya sa staff ko.


“Ako ang tumawag sa kanya. Nakiusap ako. (Tapos) Sabi ko, ire-release kita ng 12 o’clock. Basta dumating ka ng 6 or 7 AM, by 12 PM, you’re done. Natupad ko, eleven pa lang, umalis na s’ya.”


Nabanggit din sa amin ni Direk Brillante na ipapalabas ang Moro sa Netflix simula sa July 19.  


Aniya, “Well, ang kagandahan nu’n, parang imagine, kung dito lang sa atin at wala kang sariling platform, eh, hindi naman dinudumog ang mga pelikula ko, sa totoo lang, ‘di ba? Iilan lang ang makakapanood n’yan. 


“So kung streaming s’ya, hindi lang buong Pilipinas ang nakakapanood n’yan. Hindi man s’ya panoorin ng lahat ng tao, pero accessible s’ya sa streaming platform. I think five years ‘to, eh.     


“Ang Amo nga, hanggang ngayon, nand’yan pa, eh. Ilang taon na ‘yun at hanggang North America napapanood.


“Pero siyempre, whether you like it or not, iba ang experience sa cinema.”

After Piolo, inaabangan na rin kung kailan matutuloy ang pelikula ni Direk Brillante with Vilma Santos.


“Ay, hold muna. Bakit nga ba na-hold?” tanong ni Direk Brillante sa sarili. 


“Meron talaga kaming gagawin. Pero sabi ko, ‘wag muna nilang ilalalabas. Katulad n’yan, hindi natuloy.”


Nag-meeting na raw sila noon, kaso nagkaroon ng problema sa schedule. Hindi lang schedule ni Vilma kundi maging kay Direk Brillante at sa ibang artista. 


And now, willing to wait pa rin kaya si Direk Brillante na maidirek si Vilma?


“Ang ano ko kasi ngayon, ayoko ng long-term. Kung ano ‘yung dumating ngayon (meant to be?) ‘yun. ‘Pag nagswak lahat, tuloy ‘yan. Huwag mo nang i-push kung hindi talaga ano. Ang tagal na n’yan, eh. Nora Aunor pa ‘yan, eh, ‘yung Thy Womb.


“Bago pa ako mag-Ate Guy, nag-Ate Vi na ako. 


"Uh, nagkikita kami sa Batangas, pinupuntahan ko. Pag-uwi ko, meron akong tulingan,” masayang pag-alala pa ni Direk Brillante. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page