Allowances at benepisyo ng health workers, totohanan na sanang ibigay
- BULGAR

- May 22, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 22, 2024

NAME NI PNP CHIEF GEN. MARBIL, GINAGAMIT SA TONGPATS COLLECTION SA CALABARZON -- Ang mga nagpapakilalang “tongpats” collector sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) na sina alyas "Tsan Parak," "Adlawan" at "Rico" ay ginagamit daw ang pangalan ni PNP Chief, Gen. Rommel Marbil sa pangongolekta ng intelihensya sa mga ilegalista o gambling lords sa limang lalawigang ito.
Dapat ipa-stop na ni PNP Region 4-A Director Paul Kenneth Lucas ang mga illegal gambling operation sa Calabarzon kasi kapag nakarating kay Gen. Marbil na talamak ang mga pasugalan sa limang lalawigang ito at ginagamit pa ang kanyang pangalan sa “tongpats” collection ay baka sibakin siya ng PNP chief sa kanyang posisyon bilang director ng PNP Region 4-A, period!
XXX
LARRY GADON, SINUPALPAL NI DSWD SEC. REX GATCHALIAN -- Sinupalpal ni Sec. Rex Gatchalian ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon sa statement nito na ang mga nagsasabing mahirap ang buhay sa ‘Pinas ay haka-haka lang daw, dahil ayon sa DSWD sec. ay totoo ang kahirapan at ang utos sa kanila ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay bago matapos ang termino ng Presidente ay mabawasan o maging single digit na lang ang porsyento ng mga maralitang Pinoy.
Sa totoo lang, dapat pinagbabawalan ni PBBM si Gadon na magsalita sa publiko kasi sa kada buka ng bibig nito para lang makapagsipsip sa Presidente ay sablay, boom!
XXX
‘MALAKING TAO’ NA NAGPATALSIK KAY ZUBIRI BILANG SENATE PRESIDENT, NASA MALACANANG? -- Base sa statement ni former Senate Pres. Migz Zubiri ay may “malaking tao” raw ang nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya bilang Senate president, at kung babalikan ang sinabi niya sa imbestigasyon ni Sen. Ronald Dela Rosa kaugnay sa “PDEA links” na nagsasangkot kay PBBM sa paggamit ng cocaine noong year 2012, anang dating Senate president ay nagagalit daw sa kanya ang “Marcos group” kung bakit pinahintulutan niya ang Senate probe na ito ni Sen. Dela Rosa laban sa Presidente.
Dahil diyan ay walang duda na ang tinutukoy ni Sen. Zubiri na nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya bilang Senate president ay nasa Malacanang, period!
XXX
SANA TOTOONG IBIBIGAY NG DBM ANG MGA ALLOWANCE AT BENEPISYO NG MGA HEALTH WORKERS AT HINDI ITO FAKE NEWS -- Inanunsyo ng Dept. of Budget and Management (DBM) na next year (2025) daw ay maibibigay na ng gobyerno ang mga nabinbing allowances at iba pang benepisyo sa mga health worker na naglingkod sa panahon ng COVID-19 pandemic mula 2020 hanggang 2021.
Sana, huwag nang magpaasa at totohanan na ang inanunsyong ‘yan ng DBM at hindi fake news kasi taun-taon sinasabi ng gobyerno na maibibigay na ang mga allowance at benepisyo sa mga health worker, pero hindi naman naibibigay, boom!




Comments