top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

All-Women's card, tampok sa gulpihan ng ONE Empower

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 19, 2021



Magsisimula na ang inaantabayanang bakbakan ng mga kababaihang mandirigma sa loob ng octagon ring para sa All-Women’s fight card na handog ang sandamakmak na gulpihan at bugbugan sa ONE Empower sa Setyembre 3 sa Singapore Indoor Stadium sa Singapore.


Parte ng fight card si Filipina Atomweight No.1 contender Denice Zamboanga na susubukang mapanatili ang kanyang posisyon laban sa dating UFC fighter at Road FC women’s Atomweight champion na si Seo Hee “Hamderlei Silva” Ham (23-8) ng South Korea sa women’s World Grand Prix, habang nakalinya ring maglaban-laban ang iba pang mga kababaihan na parte ng Grand Prix na nag-aasam na makalaban si ONE Atomweight women’s titlist Angela “Unstoppable” Lee na kagagaling lang sa panganganak.


Nakatakda ring idepensa bilang main event bout ni ONE women’s strawweight World Champion Xiong “The Panda” Jing Nan ng China ang titulo kay 8-time Brazilian Jiu-Jitsu World titlist Michelle Nicolini


Kabilang rin sa undercard match ang Filipina-American na si Jackie Buntan na mayroong two-fight winning streak sa ONE at nakatakdang makipagsalpukan kay Daniela Lopez ng Argentina sa women’s Muay Thai strawweight event.


May pagkakataon rin na mapasama sa undercard si Filipina rising star at national team member Jenelyn Olsim na lalaban muna kay Bi “Killer Bee” Nguyen sa ONE: Battleground III na ang magwawagi ay kakalabanin ni Grace Cleveland ng Estados Unidos para sa Grand Prix Alternate bout.


Hindi biro ang mga makakatapat na mga katunggali sa Grand Prix ni Zamboanga (8-0), dahil sakaling makalampas man ito sa mabigat na pagsubok sa unang round ay maaaring makatapat nito ang magwawagi kina dating ONE Atomweight Muay Thai at Kickboxing World champion Stamp “Nong Stomp” Fairtex (5-1) ng Thailand at Ukrainian fighter Alyona Rassohyna (13-4), na muling magtatapat para sa kanilang rematch matapos patapikin ni Alyona si Fairtex sa unang paghaharap.


Aabangan rin nito sa kabilang bracket ang unbeaten “Strong Heart Fighter” Hirata (7-0) ng Japan na haharap naman kay dating TWC Atomweight champion American “Lil Savage” Andreson (5-1).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page