top of page
Search
BULGAR

Alice Guo, 'nakatakas' na, mga abogado dapat i-disbar

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 21, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT SAMPAHAN NG KASONG PERJURY AT I-DISBAR ANG MGA LAWYER NI ALICE GUO -- Dapat sampahan ng kasong perjury at i-disbar ang mga abogado ni Chinese national, former Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.


Panay kasi ang satsat nila na nasa Pilipinas lang si Guo, eh ‘yun pala ay wala na, nakatakas umano palabas ng ‘Pinas noon pang nakaraang Hulyo 2024, buset!


XXX


ALYANSA PARA SA BAGONG PILIPINAS, ALYANSA ‘YAN NG MGA TRAPO -- Alyansa para sa Bagong Pilipinas.


‘Yan daw ang slogan ng limang political party, Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC), Nationalista Party (NP) at National Unity Party (NUP).


Sa meeting ng kanilang alyansa ay nandoon ang mga trapo (traditional politicians) na mga lider ng bawat political party. Dahil diyan, bukod sa slogan na “Alyansa para sa Bagong Pilipinas,” ay puwede ring tawagin ang sanib-puwersa nilang ito na “Alyansa ng mga Trapo,” boom!


XXX


MGA NAGSANGKOT KINA MANS CARPIO, REP. PAOLO DUTERTE AT MICHAEL YANG SA SHABU SHIPMENT, MAKAKATIKIM DIN NG POLITICAL HARASSMENT ‘PAG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA -- Sabi ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na political harassment at political attack daw ang pagsasangkot ng Kongreso sa shabu shipment sa kanyang mister na si Atty. Mans Carpio, kapatid na si Davao Rep. Paolo Duterte at Michael Yang na kaibigan ni ex-P-Duterte.


Sa totoo lang, lahat naman ng administrasyon ay nagsasagawa ng political harassment at political attack sa mga kalaban nila sa pulitika, na ang nais nating ipunto rito, na kapag si VP Sara ang naging presidente sa 2028, asahan nang reresbak ang administrasyon nito, na gagawan din ng political harassment at political attack ang mga cong. na nagsangkot kina Carpio, Duterte at Yang, boom!


XXX


AFTER NG ROLLBACK, BIGTIME OIL PRICE HIKE NAMAN! -- Matapos ang dalawang magkasunod na ga-baryang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, nitong nakalipas na Martes ay nagkaroon naman ng bigtime oil price hike, P1.20 ang itinaas sa kada litro ng diesel at tig-P1.00 sa kada litro ng gasolina at kerosene.


Ganyan dumiskarte ang mga oil companies, magru-rollback ng ga-barya sa presyo ng langis, at pagkaraan ay magbi-bigtime oil price hike, kaya ang resulta, bawi agad ang in-rollback nila, at may kasama pang tubo, buset!



0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page