top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

ALEX, GISING, NANGINGINIG HABANG NANGANGANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
21 hours ago
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly| September 12, 2026



Alex Gonzaga nanganak - IG

Photo: Alex Gonzaga - IG



Na-CS (cesarean section) pala si Alex Gonzaga sa panganay nilang anak ni Mikee Morada na si Isaac Gerard.


Sinabi ito ng aktres-content creator sa video na inilabas ng St. Luke’s Medical Center in Taguig kung saan siya nanganak noong Agosto.


Sa nasabing vlog ay ikinuwento ng mag-asawa ang ilang detalye sa panganganak ni Alex.

“Nu’ng sinabi sa ‘kin na I have to do CS, ang excited ako is to really see my baby. ‘Yung feeling na you have your own na,” tsika ng kapatid ni Toni Gonzaga.


Pagbabahagi pa niya, “During that time, wala, gising ako, tapos siyempre, kinakabahan ako, hindi ko alam ang nangyayari. Tuluy-tuloy luha ko. Tapos si Mikee, binulungan pa ako ng

‘Sobrang mahal kita, minamahal kita lalo ngayon sa nakikita ko.’”


Sey naman ni Mikee, awang-awa nga raw siya sa misis niya dahil nanginginig ito.

Aminado naman si Alex na talagang nag-panic daw siya dahil sa sobrang excitement na finally ay makikita na niya ang kanyang baby.


Nang marinig na raw niya ang pag-iyak ng kanyang sanggol ay saka lang siya nakampante.


“It’s very overwhelming, we’re very,very grateful, we really feel blessed. It’s finally our turn and our time,” saad ni Alex.


“Hindi pa rin ako makapaniwala na ‘Eto na, this is it.’ Naiiyak pa rin ako ‘pag nakikita ko ‘yung baby ko,” dagdag pa niya.


Ayon naman kay Mikee ay nakasuporta siya talaga kay Alex all the way habang nasa operating room ito.


“Support lang talaga, makita na okay siya, makita na okay ‘yung baby, eh, talagang happy ako. So, lahat, nakatutok talaga sa kanila ni baby and very, very happy siyempre na… how many tries, ‘no? On our 4th pregnancy ay nabiyayan na rin kami ng anak,” sabi ni Mikee.





BONGGA ang panonood ng primetime shows sa ABS-CBN sa ALLTV2 dahil mahigit 500 na Kapamilya na ang nanalo sa pagsali sa mas pinasayang “Tutok 2gether” simula nang inilunsad ang promo noong Hulyo 27.


Puwede pang manalo ng libu-libong cash prizes hanggang Setyembre 18 sa pagtutok sa primetime programs sa ABS-CBN sa ALLTV2 mula Lunes hanggang

Biyernes.


Simulan ang gabi sa mga napapanahong balita at impormasyon sa TV Patrol ng 6:30 PM. Subaybayan ang kilig at aksiyon nina Coco Martin at Julia Montes sa Coco Martin’s Sigabo at 8 PM. At huwag palampasin ang matitinding rebelasyon at pasabog sa Someone, Someday na tampok sina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador ng 8:45 PM.


Pero hindi lang saya, kilig at aksiyon ang dapat abangan dahil may tsansa ring umabot sa P50,000 ang napanalunang cash prize sa “Doble Panalo” draw, kung saan may pagkakataong madoble ang cash prize ng mga masuwerteng contestants.


Para mahanap ang ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.


Baka ikaw ang susunod na suwertehin at maging isa sa 20 daily winners ng tig-P2,000 at two weekly winners ng tig-P25,000 sa pagsali sa “Tutok 2gether” sa ABS-CBN sa ALLTV2.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page