Alex Eala, pasok sa Round of 32 ng 2026 Miami Open
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Dominic Santos @Sports | March 20, 2026

Photo : WTA
Alex overcoming the siege!
Magpapatuloy ang kampanya ni Pinay tennis player Alex Eala sa Women’s Tennis Associations (WTA) 1000 Miami Open 2026 matapos talunin ang pambato ng Germany na si Laura Siegemund ngayong Biyernes, March 20, oras sa Pilipinas.
Sa unang set pa lamang ng laban ay naging mainit na ang palitan ng dalawang manlalaro matapos magpakita ng tapang ang player mula sa Germany laban kay Eala kung saan kinuha nito ang set sa extended score na 6(6)-7.
Nagpakita naman ng mental toughness si Eala ng baliktarin nito at kuhanin ang momentum sa ikalawang set sa dominant score na 6-3 na nagpatuloy hanggang ikatlong set sa parehong score na 6-3 dahilan para makamit niya ang ticket sa susunod na round.




Comments